Connect with us

Viral

Dominic Roque nadulas na mahilig sa mga bata at inamin na gusto na rin daw magkaanak!

Published

on

Marami ang kinilig nang mabunyag na sa publiko ang tunay na estado ng puso ni Bea Alonzo. Hindi naman na lingid sa kaalaman nating lahat ang masakit na pinagdaanan niya noon sa kaniyang dating relasyon na tila ba nagising na lamang isang araw na hindi na siya mahal at ngayon ay masaya na agad sa piling ng iba.

Marami ang naka-relate at marami din ang talagang galit na galit dahil sa pangyayaring ito. Sa kabila ng mga taong nasaktan sa naturang kontrobersiya ay minabuti na lamang ng aktres na mag-move on.

Sa ngayon ay masayang masaya na rin siya sa piling ng kaniyang nobyo na si Dominic Roque. Bagay na bagay sila sa isa’t-isa at kahit mga larawan lamang nila ang madalas makita ng publiko ay talagang mas dumami pa ang kanilang mga tagahanga at taga-suporta.


Nang minsang makasama ni Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang magkapatid na Dominic at Anthony Roque sa isang live selling video ay napag-usapan nila bigla ang pamilya at pagkakaroon ng anak. Matapos batiin ni Anthony ang kaniyang mag-ina ay nagbiro si Ryan na hihiramin daw muna nila ang kanilang daddy.

Naikwento din ni Anthony ang kaniyang anak na si Claudia. Ayon naman sa tito nitong si Dominic ay madalas daw niyang makakulitan ang pamangkin niyang ito sa mga video call.

Nabanggit din naman ni Ryan kung gaano kahilig ng Roque brothers sa mga bata at nagsalita rin si Dominic bigla na gusto na rin daw niya. Marami ang kinilig lalo na ang kanilang mga BeaDom fans sa tinuran na ito ni Dominic.

Maaalalang ibinahagi ni Bea sa vlog ni Ethel Booba na gusto na rin niyang lumagay sa tahimik at magsimula ng sarili niyang pamilya. Dalangin niyang maipagkaloob na sa kaniya ito sa loob ng 3 taon.

Excited na ang marami sa mga susunod pang kaganapan sa celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media