Connect with us

Showbiz

Coleen Garcia, ibinahagi ang mga cute at adorable photos kasama ang anak na si Baby Amari!

Published

on

Si Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford o mas nakilala natin bilang si Coleen Garcia ay 29 na taong gulang na aktres, host, at modelo. Noon pa man ay madalas na siyang mapanuod sa ilang mga TV commercials hanggang nabigyan siya ng mga proyekto kung saan ipinamalas niya ang husay niya sa pag-arte.

Marami ang napabilib niya hindi lamang sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan kundi maging sa kaniyang talento sa pag-arte. Wala na siyang dapat pang patunayan dahil sa malaking patunay na ang mga proyekto na kaniyang nagawa noon kasama ang mga kilala at respetadong mga artista.

Naging bahagi din siya ng noontime show na “It’s Showtime” kung saan niya nakilala at nakapalagayan ng loob ang mister na niya ngayong si Billy Crawford. Taong 2014 nang magsimulang mag-date ang dalawa.

Naging opisyal ang plano nilang pagpapakasal taong 2016 at ikinasal sila noong Abril 2018. Makalipas ang dalawang taon ay nabiyayaan sila ng anak na lalaki, si Baby Amari.

Isinilang ni Coleen ang anak nila sa pamamagitan ng water birth na ibinahagi din niya sa kanilang YouTube channel. Madalas na nating makita ang mga post ng mag-asawa lalo na kasama ang kanilang anak na si Baby Amari.

Napaka-cute at talaga namang nakakagigil ito. Kamakailan lamang ay muli na namang nagbahagi ng ilang mga larawan si Coleen kung saan makikita ang kaniyang anak na ngayon ay isang taong gulang na.

Talaga namang napakabilis ng panahon dahil sa ang dating karga karga lamang nilang mag-asawa ay marami nang kayang gawin. Nakakapaglaro na itong mag-isa, nakakalakad at nakakatayo na rin. Talaga namang masayang masaya ang mag-asawag Billy at Coleen dahil sa biniyaan sila ng isang napaka-cute at napakabait na anak.

Wala nang mahihiling pa ang mag-asawa at nais na lamang nilang maibigay ang lahat ng pangangailangan ang kanilang unico hijo. Naging mahirap man at malaking hamon para sa kanila ang pandemya ay mas nagsusumikap pa rin sila ngayon para sa kanilang pamilya at lalo na para sa kanilang anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media