Connect with us

Showbiz

Vilma Santos, inamin na napangitan sa anak na si Luis Manzano noong una niya itong nakita matapos ipanganak. Para daw itong isang malaking daga!

Published

on

Si Luis Philippe Santos Manzano ay nakilala at hinangaan natin bilang si Luis Manzano. Siya ay 40 taong gulang na aktor, TV host, komedyante, VJ at modelo.

Siya ay anak ng mga batikang artista na sina Edu Manzano at Vilma Santos. Taong 2021 nang ikasal sila ng kaniyang nobya na si Jessy Mendiola.

At sa kabila ng pandemya ay nairaos nila ang kanilang kasal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan. Sa ngayon ay pinasok na din ni Luis ang vlogging kung saan marami ang nag-aabang talagang sa kaniyang mga nakakatuwang vlogs.

Isa na marahil sa mga nakakatuwang vlog niya ay ang vlog niya kasama ang kaniyang ina na si Vilma Santos. Si Ate Vi ang isa sa pinakasikat na personalidad sa bansa.


Siya ay binansagang “Star for All Seasons” dahil sa napakarami niyang magagandang mga proyekto at mahuhusay na pagganap. Sumubak na rin siya sa pulitika at nakapagsilbi noon bilang Gobernador ng Batangas.

Sa naging kulitan vlog nilang mag-ina ay naitanong ni Luis kung sino-sino ang unang nakaalam na siya ay buntis na sa kaniya noon. Agad naman siyang sinagot ng kaniyang ina at sinabing a ng malalapit na kaibigan lamang nito ang nakaalam sa kaniyang pagbubuntis.

Napag-usapan din nila ang diumano ay pagsasabi ni Ate Vi na nagulat siyang makita sila Luis noong bata pa ito at inilarawan pa niya ito bilang isang daga! Ayon kay Ate Vi, nagtungo siya sa nursery at sinabing nais niyang makita ang kaniyang sanggol.

Nasilayan niya ang isang baby na sobrang puti at walang mga kilay, anak-araw agad ang pumasok sa kaniyang isipan. Nang hanapin na daw niya ang kaniyang anak sa nars ay itinuro nito ang batang walang kilay na pinagmamasdan ni Ate Vi. Kinumpirma ng nars na ito ng a ang kaniyang anak.

Nilinaw naman ni Ate Vi na sa una lamang niya ito naisip dahil sa tuwing pagmamasdan niya ang lumalaking si Luis ay mas nagagwapuhan na siya rito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media