Connect with us

Showbiz

Vice Ganda, hindi nahiya o natakot na ipasilip sa kaniyang mga fans ang tunay na hitsura ng kaniyang buhok!

Published

on

Si Jose Marie Borja Viceral o mas nakilala natin bilang si Vice Ganda ay isang sikat talk show host, television presenter, aktor, komedyante, entrepreneur, at singer. Siya ay 45 taong gulang na ngunit hindi naging hadlang ang kaniyang edad upang matagpuan niya ang tunay na pag-ibig sa kaniyang nobyo ngayon na si Ion Perez.

Marami na ring pinagdaanan si Vice bago pa man siya makilala sa industriya ng showbiz. Kahit pa nga malayo na talaga ang kaniyang narating ngayon ay patuloy pa rin siyang nagiging inspirasyon hindi lamang sa kaniyang mga mahal sa buhay kundi maging sa kaniyang mga fans na talagang labis na humahanga sa kaniya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tagahanga ang tunay na hitsura ng kaniyang buhok. Palagi siyang may iba’t-ibang kulay at style sa tuwing masisilayan natin siya sa kaniyang mga shows.

Minsan na niyang ipinasilip sa programang “It’s Showtime” ang kaniyang buhok gayundin naman ang kaniyang hitsura kapag siya ay walang suot na make-up. Aminado naman daw ang komedyante na hindi maganda ang kaniyang buhok ngunit kailanman ay hindi nito papahintulutan na maging kabawasan ito ng kaniyang pagkatao.

Maaaring hindi maganda ang kaniyang buhok ngunit punong-puno naman siya ng pagmamahal at pagmamalasakit sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Ang naturang video ay kuha mismo sa salon ng kaniyang anak-anakan na si Ryan Bang.

Dito ay sumailalim siya sa isang scalp treatment at makalipas ang 8 linggo ay makikita na ang epekto. Maliban sa hair make-over ay nagpagawa din ng nail art si Vice.

Sa ngayon ay hindi pa rin bukas sa publiko ang salon na ito ni Ryan at binuksan lamang nila ito para kay Vice. Inulan ng maraming komento ang vlog na ito ni Vice. Marami ang humahanga sa kaniya at talagang nagbibigay din daw siya ng inspirasyon sa maraming mga Pilipino na mayroong mababang kompiyansa sa kanilang sarili.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media