Connect with us

Showbiz

“Tinadhana” ang sambit ng marami para sa magkasintahang Dominic Roque at Bea Alonzo dahil sa pagkakamukha ng aktres at lola ng aktor!

Published

on

Sino ba naman ang hindi kinikilig ngayon sa magkasintahang Dominic Roque at Bea Alonzo? Napakasimple ng magkasintahang ito ngunit ramdam na ramdam ng marami ang respeto at pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang naging masamang karanasan ng aktres sa dati niyang nobyong si Gerald Anderson na nag-ghosting sa kaniya. Bagamat iginigiit noon nitong walang third party sa kanilang naging hiwalayan ay marami naman ang nagsasabing si Julia Barretto daw ito.

Sa ngayon naman ay tila naka-move on na ang lahat at may kaniya-kaniya na rin silang buhay. Napakapalad ni Bea at ni Dominic para sa isa’t-isa dahil sa tiyak na hindi magloloko ang sino man sa kanila.

Naging mabuting magkaibigan muna kasi sila bago pa man nauwi sa matamis na pagtitinginan ang kanilang relasyon. Madalas na nakikita online ng kanilang mga tagahanga ang mga bakasyon at pamamasyal nila sa iba’t-ibang lugar.


Masayang-masaya naman ang dalawa sa piling ng isa’t-isa. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang mga larawang ito ng lola ni Dominic at ni Bea mismo.

Noong dalaga pala ang lola ng aktor ay napakalaki ng pagkakahawig nito kay Bea. Aakalain mo nga na iisang larawan lamang ang mga larawan ito ngunit ang totoo ay lumang larawan ni Lola Zeny ang larawang katabi ng litrato ng aktres.

Bagamat marami talaga ang nagulat sa post na ito ng Fan Page ng BeaDom ay marami naman din ang nagsasabing tinadhana talaga ang aktor at ang aktres para sa isa’t-isa.

Narito ang ilan sa mga naging komento at reaksyon ng mga netizens:
“Ganun daw kapag may kamukha ung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo. Kau daw ang magkakatuluyan”
“Sabi nila pag may resemblance. Destiny talaga sila”
“magkamukha din naman sila ni Dominique roque e para silang magkapatid “
“nakatadhana talaga sina Bea at Dom hawig na hawig ni Lola eh”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media