Connect with us

Showbiz

Relo ni Jinkee Pacquiao na nagkakahalaga ng nakakalulang presyo na Php16.3 million, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Kilala ang pamilya Pacquiao sa Pilipinas bilang isa sa pinakamayaman at pinakamatagumpay. Kung noon ay talagang hirap na hirap sila sa buhay, ngayon ay hindi na mabilang ang kanilang mga naipundar dahil na rin sa kanilang padre de pamilya na si Senador Manny Pacquiao.

Siya lamang ang tanging boksingero na nanalo ng 12 major world titles sa walong magkakaibang weight divisions! Dahil na rin sa kaniyang hindi matatawarang kasipagan, determinasyon, at pananalig sa Diyos, nagawa niyang maiahon ang kaniyang buong pamilya sa kahirapan.

Sa ngayon ay inaani na nila ang kanilang pinaghirapan. Isa na marahil sa mga matutunog na pangalan ngayon ang misis ni Senador Manny na si Jinkee Pacquiao.

Ito ay matapos siyang makatanggap ng mga panghuhusga at pambabatikos sa mga sikat na personalidad tulad na lamang ni Agot Isidro at Cristy Fermin dahil sa kaniyang mga designer bags, shoes at accessories. Ayon sa mga taong bumabatikos kay Jinkee, hindi raw katanggap-tanggap at hindi raw napapanahon ang pagbabahagi niya ng mga larawan at videos ng marangya nilang pamumuhay.


Lalo na at marami daw ang nagugutom at naghihirap ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Hindi naman ito pinapansin ng pamilya Pacquiao dahil sa batid nilang hindi galing sa kaban ng bayan ang pera na kanilang ginagamit para sa kanilang sarili.

Ito ay mula sa dugo at pawis ng senador, at gayundin naman sa ilang mga negosyo nila ni Jinkee. Kamakailan lamang ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko ang relo na ito ni Jinkee.

Ang kaniyang relo ay isang Rolex Rainbow Daytona. Ayon sa ilang mga ulat, mayroon ding ganitong relo sina Post Malone, John Mayer, Adam Lavine, Miley Cyrus, Mark Wahlberg, at Kevin Hart. Ang mamamaling relo na ito ay ni-launch ng Swiss luxury watchmaker na Rolex noong 2018 sa Switzerland.

Nagkakahalaga ito ng Php2.7 million nang mabili ni Jinkee ngunit ngayon ay tumaas na ang presyo nito ay ayon sa isang website ay nasa halos $329,519 na ang presyo nito o halos nasa Php16.3 million na!


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media