Connect with us

Showbiz

PBB Big Winner noon na si Yamyam Gucong, masaya at kuntento na sa buhay pag-ibig niya kasama ang kaniyang non-showbiz GF na si Elaine

Published

on

Magulo at maingay ang mundo ng showbiz kung kaya naman marami din talaga ang nagdadalawang-isip na pasukin ang mundong ito. Marami na tayong nabalitaan na mga kwento ng mga sikat na artistang nagsimula sa hirap at nagsumikap ng husto upang makapasok sa showbiz, magkaroon ng pangalan at sumikat.

Hindi na rin bago ang kwento ng iilan sa kanila na nakilala man at sumikat ay nananatili pa ring simple at normal ang pamumuhay. Tulad na lamang ng Pinoy Big Brother Big Winner 2019 na si Yamyam Gucong.

Siya ay binansagang “Iskulit Bai ng Bohol” dahil sa pagiging likas na masayahin nito. Maraming mga manunuod din ang humanga sa kaniya dahil sa pagiging simple nito at totoong tao.

Mula nang manalo siya sa naturang programa ay mas nabigyan siya ng maraming proyekto at oportunidad. Dahil sa mga ito ay nakapagtayo na rin siya ng isang negosyong bakeshop sa kanilang bayan.

Sa kabila ng mga nakamit niyang tagumpay ay talagang nanatili siyang mapagpakumbaba sa buhay. Bagamat maraming mga pagsubok na dinanas si Yamyam mula pa noong kabataan niya ay hindi ito naging hadlang upanag maging inspirasyon siya sa mas maraming mga Pilipino.

Para naman kay Yamyam, hindi lamang ang kaniyang pamilya ang kaniyang inspirasyon kundi maging ang kaniyang nobya na si Elaine. Bago pa man pumasok sa showbiz si Yamyam ay magkarelasyon na sila ni Elaine.

Hindi rin naman naging hadlang ang kaniyang karera at mga pangarap sa kanilang relasyon. Nananatiling matibay ang kanilang relasyon dahil sa pag-ibig at pagtitiwala nila sa isa’t-isa.

Madalas ding nagbabahagi ng mga larawan si Yamyam sa kaniyang social media account at kapansin-pansin kung gaano sila ka-sweet sa isa’t-isa. Tunay nga na mapalad ang isang tao kung makakatagpo siya ng taong magmamahal at magtitiwala sa kaniya sa kahit ano pang mahirap na sitwasyon.

Napakagandang inspirasyon nila sa maraming magkasintahan at magkarelasyon ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media