Connect with us

Showbiz

Paulo Avelino, nagulat at napamura pa nang makita ang kaniyang mukha sa isang face changer app na usong-uso ngayon!

Published

on

Si Michael Paulo Lingbanan Avelino o mas nakilala natin bilang si Paolo Avelino ay 33 taong gulang na aktor. Isa siya sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz dahil sa angking talento niya sa pag-arte.

Dahil mga pambihirang pagganap niya sa kaniyang mga karakter noon ay mas maraming proyekto ang naipagkatiwala sa kaniya. Ilan sa mga naging matagumpay niyang proyekto ay ang “Walang Hanggan”, “Honesto”, “Bridges of Love”, at “Heneral Luna” kung saan siya gumanap bilang si Gregorio del Pilar.

Umani rin ng papuri ang kaniyang pelikula na “Goyo: Ang Batang Heneral”. Kamakailan lamang ay ikinagulat ng kaniyang mga tagahanga ang kumakalat na video ng aktor kung saan ang kaniyang mukha ay inedit sa face changer app.

Ang naging reaksyon naman ng aktor ay talagang nakakagulat dahil sa sobrang pagkabigla sa napanuod na video ay napamura pa nga ito. Marami naman sa kaniyang mga tagahanga ang nagkomento at nag-react sa naturang video.

Karamihan sa kanila ay nagsasabing napakaganda daw ng aktor sa app na ito.
Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens sa naturang video ni Paolo:

“Bat naging kamuka ni Sam Concepcion?” Pahayag ng isang netizen.
“Hala kabog ang ganda mo Paulo hahaha” Komento pa ng isa.
“Ahahaahaha ganda mo nga Pau! Hahaha” Turan naman ng isa pa.
“ganda mo naman paulinaaa. HAHAHAHAHAHAHA sorry na agad kuya” Nakakatawang pahayag naman ng isa pa.

Tunay nga na sa kabila ng mahirap na sitwasyong nararanasan natin sa ngayon ay marami pa ring mga bagay upang maging masaya lalo na kung ikaw ay isang Pilipino. Kilala ang ating lahi bilang masiyahin at talagang positibo sa buhay kung kaya naman kahit papaano ay nakakatuwa pa ring makapanuod ng mga ganitong klase ng video paminsan-minsan.

Kahit gaano man kahirap ang pinagdadaanan nating lahat dahil sa pandemya ay paniguradong gagawa at hahanap pa ring ng paraan ang mga Pilipino upang ngumiti at maging masaya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media