Connect with us

Showbiz

Ogie Diaz, nilinaw ang kaniyang nalalaman tungkol sa tsismis na mayroon na daw anak si Yen Santos!

Published

on

Marami ang nagsasabi na napakarami raw talagang mga kontrobersiya at isyu sa showbiz. Sa oras na naging artista o sikat na personalidad ang isang tao ay wala na siyang kawala sa mga kontrobersiyang ito dahil sa mas maraming mga tao na ang magkakainteres sa kanilang mga buhay.

Kamakailan lamang ay naging mainit na balita ang hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes makalipas ang anim na taong relasyon. Nabiyayaan sila ng isang anak na babae na pinangalan nilang Summer.

Marami ang nalungkot sa naging rebelasyong ito dahil marami talaga ang nag-akalang wagas at magtatagal ang kanilang pag-iibigan. Pareho na silang galing sa isang relasyon na hindi naging matagumpay sa huli at nagkaroon ng mga anak ngunit sa huli ay naghiwalay din silang dalawa.

Ayon sa ilang mga usap-usapan, mayroon daw “third party” sa naging hiwalayan nila. M ay mga sabi-sabi din naman na gumagamit daw ng ipinagbabawal na gamot si Paolo at ang ikatlong usap-usapan ay si Yen Santos daw ang bagong nobya ng aktor.

Maliban sa pagiging “third party” ay mayroon na namang bagong isyu ang kumakalat patungkol kay Yen. Mayroon na daw kasi itong anak sa isang pulitiko at itinatago niya lamang ito.

Nagsalita naman si Ogie Diaz patungkol dito at sinabing hindi totoo ang mga kumakalat na tsismis na ito. Sa vlog nina Ogie at ng kaniyang kaibigan ay nilinaw ng 51 taong komedyante at entertainment reporter na hindi totoo ang mga usaping ito dahil ang alam niya talaga ay wala pang anak si Yen.

Napagkamalan daw na anak niya ay marahil ang kaniyang kapatid na inaanak ng isang pulitiko.

“Si Yen Santos daw ay may anak na, na itinago lang daw. But the truth is, wala pong anak si Yen, yan po ang alam ko ha. Walang anak si Yen at yung tinuturo nilang anak ni Yen ay hindi po anak ni Yen. “Yun ay kapatid daw ni Yen na inanak sa binyag ng isang politician, kaya doon ay usap-usapan na anak yun ni Yen,” Pahayag ni Ogie.

Hindi rin daw totoomh buntis ang aktres kung kaya naman hindi na rin dapat pang pag-usapan ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media