Connect with us

Viral

Nanay ng girlfriend ni Whamos Cruz, umaapila ng tulong upang mabawi ang anak mula sa vlogger!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang makasaksi ng iba’t-ibang kwento ng pag-ibig ng ating mga kababayan. Hindi kailan man naging hadlang ang edad, kulay, hitsura, o estado sa buhay upang matagpuan nila ang taong magmamahal sa kanila at mamahalin nila ng lubos.

Kamakailan lamang ay naitampok sa sikat na magazine show na Kapuso Mo, Jessica Sojo (KMJS) ang magkasintahang Kim Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario. Napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga hitsura.

Marami ang nagsasabi na hindi ganoon kagwapo si Kim Whamos habang sobrang ganda naman daw ang kaniyang nobya na si Antonette. Binansagan pa ngang Whamonette ang kanilang tambalan.

Isa na ngayong vlogger si Kim Whamos kung kaya naman marami na din ang nakakakilala sa kaniya lalo na sa social media. Bagamat marami ang kumukutya at humuhusga sa kanilang relasyon ay mayroon pa rin namang iilan na naniniwalang tunay na pag-ibig ang namamagitan sa kanilang dalawa.


Makalipas ang ilang linggo mula nang maitampok sila sa ilang mga shows at artikulo ay nagsalita na ang ina ni Antonette at umaapila ito ng tulong upang mabawi ang kaniyang anak mula sa vlogger. Ayon sa naging post ni Dolly Gail, nanay ni Antonette, ay marami pa daw silang pangarap para sa kanilang anak kung kaya naman hiling niyang matulungan silang mabawi ang kanilang anak mula sa vlogger.

Huwag naman daw sana niyang sayangin ang pagkakataon na makapagtapos pa ng pag-aaral at maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Nais niyang mabawi ang kaniyang anak mula sa mga taong diumano ay gumagamit lamang sa kaniya.

Hiling niya din ang respeto mula sa kaniyang mga anak at ipinaalalang hindi siya kailanman nagkulang sa mga ito. Tiyak na maraming mga magulang at anak ang naka-relate sa post na ito.

Dahil noon pa man ay marami nang ganitong sitwasyon kung saan umaalis ng kanilang bahay ang anak na babae at nabubuhay na lamang na kasama ang kaniyang kasintahan. Napakasakit para sa isang magulang na maranasan ito ngunit tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung tama ng aba ang naging desisyon ng anak para sa kaniyang sarili o dapat sana ay sinunod niya na lamang ang payo ng kaniyang magulang para sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media