Connect with us

Showbiz

Nakakalulang presyo ng paintings ni Heart Evangelista, umaabot pala ng 3 milyong piso ang isa!

Published

on

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o si Heart Evangelista ay 36 na taong gulang na aktres, TV host, singer, visual media artist, philanthropist, socialite at kasalukuyang naglilingkod bilang first lady ng Sorsogon kung saan ang kaniyang mister na si Francis Joseph “Chiz” Guevarra Escudero ang gobernador. Maagang nagsimula sa showbiz si Heart at talaga namang malayo na rin ang kaniyang narating.

Sa ngayon ay masaya siyang namumuhay kasama ang mister at ang mga anak nito sa una niyang asawa. Isa namang napakabait na stepmother ng aktres kung kaya naman mahal na mahal din siya ng mga anak ng kaniyang mister.

Kamakailan lamang ay nakapanayam sila ni Karen Davila sa kaniyang YouTube channel kung saan pinag-usapan nila ang buhay may-asawa at ang mga pagsubok na pinagdaanan nila noon. Naging kontrobersiyal ang pagpapakasal nila hindi lamang dahil sa halos 15 taong agwat ng kanilang edad kundi dahil sa pagtutol ng pamilya ng aktres sa kanilang relasyon.

Sa ngayon ay nasa mabuti nang estado ang relasyon ng dalawang pamilya. Ibinahagi din ni Gov. sa publiko na kahit hindi boto ang mga magulang ni Heart sa kaniya noon at mayroon silang hindi pagkakaunawaan ay ninais pa rin talaga niyang magkasundo at magkapatawaran si Heart at ang kaniyang mga magulang dahil mananatili pa ring kadugo at kapamilya ng aktres ang kaniyang mga magulang at wala nang makapagpapabago nito.

Napag-usapan din nila ang mga nakakabilib na paintings ni Heart na umaabot pala sa Php200,000 hanggang Php3,000,000 ang inaabot kada isa. Ito na mismo ang ginagastos ng aktres para sa kaniyang mga luho habang ang kaniyang mga savings ay hindi niya talaga ginagastos basta basta na lamang.

At kung halimbawa naman daw na hindi mabibili ang kaniyang mga obra ay itinatabi niya ito at balak niyang ibenta sa susunod pang mga taon. Bandang huli ay natatawa ding ibinahagi ni Heart na noon pala ay marami talagang mga babae ang nagkakagusto at pumipila sa kaniyang asawa!

Hindi rin naman papatalo ang aktres dahil marami din talaga ang nagkakagusto dito noon pa man ngunit ang kaniyang mister lamang ang nakasungkit ng kaniyang matamis na oo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media