Connect with us

Showbiz

Nadine Lustre, pinamangha ang kaniyang mga tagasuporta sa simpleng mga larawan niya ngayon na kuha sa isla ng Siargao!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga idolo nating artista. Marami sa kanila ang talagang sinusubaybayan natin hanggang dulo.

Certified fans ang marami sa atin kung kaya kahit sa online world ay hindi talaga pinapalampas ng marami sa atin. Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin sa mg a larawan ng aktres, product endorser at recording artist na si Nadine Lustre.

Sa ngayon ay nagbabakasyon diumano ang sikat na celebrity sa isla ng Siargao. Ilan sa mga larawan ni Nadine na kuha sa naturang isla ay ang simpleng mga larawan niya habang naglalakad ng nakayapak sa buhangin, mayroon din siyang larawan habang lugmok sa putikan maging ang kaniyang dalang motorsiklo.

Mayroon ding larawan si Nadine kung saan makikita na kumakain siya at ang ilan sa kaniyang mga kaibigan sa isang carinderia. Talaga namang napakasimple ng ayos ng aktres ngunit makikita pa rin ang angking kagandahan at kaseksihan nito.


Maraming mga netizens ang naghahalintulad sa kaniya asa aktres na si Andi Eigenmann na pinili na lamang manirahan sa isla ng Siargao kasama ang kaniyang minamahal na si Philmar Alipayo at ngayon nga ay mayroon na silang dalawang mga anak si Ellie, Lilo at Koa. Marami naman ang nag-aabang kung dito na nga talaga maninirahan si Nadine.

Maaalalang naapektuhan din ng husto ang karera ni Nadine buhay nang magkaroon ng pandemya sa buong mundo. Ngunit sa kabila ng kakaunting proyekto niya sa ngayon ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa at nais lamang na dahan-dahanin ang mga bagay-bagay.

Narito naman ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga fans ni Nadine patungkol sa mga kumakalat niyang larawan:

“Like ko yung pagiging independent niya at hindi pabebe, walang paki alam sa sinasabi ng tao at d magpapaka plastic para lang sa kagustuhan ng fans.” Komento ng isang fan.

“Pag pala talaga napupunta sa siargao nagiging simple ang buhay.Maganda dyan malayo sa mga polusyon at mga nega.” Wika naman ng isa pa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media