Connect with us

Showbiz

Nadine Lustre, muli na namang pinahanga ang kaniyang mga fans sa napakaganda at napakaseksi niyang OOTDs sa Siargao!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang makakita ng mga magaganda at seksing larawan ng ating mga paboritong artista. Sa kabila kasi ng pandemya ay marami pa ring mga artista at sikat na personalidad ang nakakapagbakasyon hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Sinisigurado din naman nilang nasusunod nila ang mga nararapat nilang gawin upang hindi mahawa o makahawa sa loob at labas ng bansa. Kahit pa nga marami nang mga sikat na personalidad ng nagbabakasyon sa ibang bansa, minabuti pa rin ng aktres na si Nadine Lustre na mamahinga na muna sa isla ng Siargao.

Napakaganda ng isla na ito kung kaya naman marami talagang mga banyagang turista at kahit mga lokal na turista ang nagnanais na bumisita rito. Para naman sa iba, mas ginusto na rin nilang dito na manirahan tulad na lamang halimbawa ng aktres na si Andi Eigenmann na tinalikuran ang ningning ng showbiz upang manirahan dito kasama ang kaniyang pamilya.

Hindi na nakapagtatakang maging ang aktres na si Nadine Lustre ay nabighani din sa ganda ng isla. Sa kabila nito ay hindi rin naman siya nagpa-awat na ipamalas ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan.


Kung naging mainit na usapan sa social media ang kaniyang larawan habang bumibili ng isang kilalang brand ng sawsawan ay mas naging mainit din ang pagtanggap ng publiko sa kaniyang mga OOTDs habang nagbabakasyon sa isla. Ilan sa kaniyang mga kuhang larawan ay nakasuot siya kulay puti na two-piece kung saan mas lalong umangat ang kaniyang napakagandang katawan.

Mayroon din siyang kuhang larawan habang katabi ang kaibigan niyang si Andrei na nakaupo at nagpapahinga. Bagay na bagay din naman ang kaniyang mga accessories sa kaniyang white two-piece habang nakasakay sa isang yate kasama ang kaniyang mga kaibigan at masayang umiinom ng wine.

Tunay nga na wala pa ring tatalo sa angking kagandahan ng isang Nadine Lustre.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media