Connect with us

Showbiz

Mga celebrities na naging magkasintahan noon, nagkahiwalay, at muling nagkabalikan, kilalanin!

Published

on

“Love is sweeter, the second time around.” Marahil ay hindi ito pinaniniwalan ng marami sa atin lalo at hindi naman na rin bago ang kwento ng mga panloloko ng mga lalaki at maging ng mga babae sa kanilang mga kapareha. Nakakalungkot mang isipin ngunit ito na rin ang reyalidad ng buhay sa ngayon. Mayroong nanloloko at mayroon din namang naloloko at sadyang nagpapaloko. Buti na lamang at marami pa rin sa atin ang naniniwala sa “second chance”. Tulad na lamang ng mga sikat na artistang ito na dati nang naging magkarelasyon, naghiwalay, at muling nagkabalikan.

ELISSE JOSON AT MCCOY DE LEON


Maaalalang taong 2016 nang magtagpo ang landas nina Ellise at McCoy sa Pinoy Big Brother house. Hindi man nila diretsahang inamin ang kanilang relasyon ay kapansin-pansin naman talaga ang pagiging sweet nila sa isa’t-isa.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay ang dalawa ngunit nito lamang 2021 sa isang interview ay inamin ni McCoy na bago pa man sumapit ang pandemya ay nagkabalikan na silang dalawa. Marami naman sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang labis na natuwa sa naging rebelasyong ito.

MELAI CANTIVEROS AT JASON FRANCISCO


Tulad nina Ellise at McCoy ay sa PBB house din nagkakilala at nagkamabutihan sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Taong 2009 pa nang magkrus ang kanilang mga landas. Taong 2013 naman nang magdesisyon silang magpakasal sa General Santos City.

Di rin naman nagtagal at biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Amelia Lucille. Ngunit taong 2016 nang kumpirmahin ni Jason sa isang post online na hiwalay na sila ni Melai.

Hindi rin naman nagtagal at nagkaayos din ang dalawa. Taong 2017 naman nang isilang ng host ang ikalawang anak nila ni Jason na si Stela Rosalind.

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO


Taong 2010 nang maging magkarelasyon ang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ngunit isang taon pa lamang ang nakakalipas ay naghiwalay din sila. Ngunit nang magkatrabaho silang muli sa isang proyekto ay tila nabigyan ng ikalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan.

Nito lamang Enero 2021 ay nagdiwang sila ng ika-pitong taong kaarawan nila bilang magkasintahan. Sa kasalan na nga kaya mauuwi ito?

MERYLL SORIANO AT JOEM BASCON


Taong 2008 nang nakilala ang teleseryeng “I Love Betty La Fea” na pinagbidahan ni Bea Alonzo. Nagkasama rin sa programang ito sina Meryll Soriano at Joem Bascon, dito nagsimula ang matamis nilang pagtitinginan.

Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil kinailangang ipagpatuloy ng aktres ang kaniyang pag-aaral sa London. Nang magkatrabaho silang muli sa “Starla” at “Culion” ay muli silang nabigyan ng pagkakataon upang magkasamang muli taong 2019 at nang taong 2021 ay nagulat ang publiko nang malaman na mayroon na palang anak na kinumpirma mismo ng aktres.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media