Connect with us

Showbiz

Lovi Poe, hinangaan ng publiko dahil sa angking kagandahan nito at sa mga OOTD na talaga namang bagay na bagay sa kaniya!

Published

on

Si Lourdes Virginia “Lovi” Moran Poe o mas nakilala natin bilang si Lovi Poe ay 32 taong gulang na aktres, modelo at recording artist. Siya ay anak ng batikang Action King na si Fernando Poe Jr. Poe at aktres na si Rowena Moran.

Hindi maipagkakaila na nakuha niya ang kaniyang kagandahan at talento sa kaniyang mga magulang. Marami na rin siyang nagawang pelikula at programa sa telebisyon kung saan napanuod natin kung gaano siya kahusay na aktres.

Isa na talaga siya sa pinakasikat na leading lady noon at ngayon dahil sa pagpapamalas niya ng angkin niyang talento sa pag-arte. Horror, drama, romance, man o comedy ay palaging pumapatok sa publiko ang kaniyang mga proyekto.

Kagandahan, talento at mabuting puso – halos lahat na yata ng magagandang katangian ay nasa aktres na. Kamakailan lamang ay marami din ang nakapansin sa mga OOTDs o mga damit na madalas niyang isinusuot.

Mas lalo kasing umaangat ang kaniyang kagandahan at kaseksihan sa mga damit na ito. Kahit pa nga simpleng damit lamang ang kaniyang suot at nagagawa niyang elegante at sopistikada ito.

Simple at natural lamang ang angking kagandahan ni Lovi ngunit mas marami talaga ang hindi napipigilang humanga sa kaniya. Nagpapalaganap din siya ng “body positivity” kung kaya naman nagsisilbi din siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan. Bagamat mayroong mga usap-usapanpatungkol sa paglipat niya sa Kapamilya network ay dalangin pa rin ng kaniyang mga tagahanga na makita at masilayan siyang muli sa harap ng kamera.

Maaaring marami siyang pinagkakaabalahan sa ngayon ngunit naglalaan pa rin siya ng wastong oras para sa kaniyang sarili lalong-lalo na sa kaniyang pangangatawan. Isang patunay lamang ang aktres na hindi natin dapat kaligtaan kung gaano tayo kapalad dahil mayroon tayong maayos na buhay hindi tulad ng ibang tao na kahit na pagkain na lamang na ilalaman sa kanilang mga sikmura.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media