Connect with us

Showbiz

LJ Reyes, pinabilib ang publiko sa kaniyang napakagandang mga larawan sa New York Fashion Week 2021!

Published

on

Magulo at talagang maingay ang mundo ng showbiz. Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring mga Pilipino ang nangangarap na maging isang sikat na artista.

Maganda rin kasi ang kita sa ganitong karera at napakaraming mga oportunidad ang maaaring mabuksan lalo na kapag nakilala at sinuportahan ka na ng mga tao. Nakakalungkot lamang isipin na sa kabila ng kasikatan at kayamanan na maaaring makamit dito ay marami pa ring mga pangyayari na hindi talaga maiiwasan.

Tulad na lamang halimbawa ng mga relasyon na maagang nagsisimula at sumisibol ngunit sa huli ay nauuwi rin sa hiwalayan. Marahil ay marami na rin sa atin ang nakabalita sa naging masakit na hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Setyembre 2021 nang magpaunlak ng panayam ang aktres sa batikang host na si Boy Abunda. Dito ay inilahad niya ang naging mga karanasan niya nang mga nagdaang buwan at hindi na niya napigilan pa ang maging emosyonal.

Sa kabilang banda ay matagal namang nanahimik si Paolo tungkol sa isyu ngunit kalaunan ay nagsalita na rin siya upang linawin ang mga bagay at taong diumano ay nadadamay sa kaniyang sitwasyon ngayon. Samantala, lumipad naman patungong Amerika sina LJ kasama ang kaniyang mga anak na sina Aki at Summer.


At dito nga ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na makasamang muli ang kaniyang ina at buong pamilya. Hindi rin naman pinalampas ng 33 taong gulang na aktres na magtungo sa New York Fashion Week 2021 kung saan pinabilib niya ang publiko sa napakaganda at napakaseksi niyang mga larawan.

“Palavarn” kung ilarawan ng mga netizens ang kaniyang mga larawan at talagang humakot ito ng maraming mga magagandang komento at reaksyon mula sa publiko. Tunay nga na sa kabila ng mga naging sakripisyo niya at sa mga luha na bumuhos ay kahit papaano masasabi naman ng kaniyang mga kaibigan at taga-suporta na pinipilit niyang maging masaya at maging matatag para sa kaniyang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media