Connect with us

Showbiz

LJ Reyes nagbahagi ng post online patungkol sa pagkakaroon ng isang matatag na pundasyon ng pagsasama, marami ang nag-react at nagkomento rito!

Published

on

Hindi na bago sa atin ang mga hiwalayan sa showbiz. Ngunit kahit pa nga ganito ay hindi pa rin natin maiiwasang masaktan para sa mga idolo natin o sa mga artistang nasasaktan at iniiwanan.

Marahil ay marami na sa atin ang nakapanuod na at nakabasa ng mga artikulo tungkol sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis. Nito lamang Setyembre 1, 2021 ay nagpahayag na ang aktres ng kaniyang saloobin tungkol sa nangyaring ito.

Nakapanayam siya mismo ng batikang host na si Boy Abunda. Sa exclusive interview na ito ay bumuhos ang emosyon at luha ni LJ lalo na sa tuwing mapag-uusapan ang kaniyang mga anak.

Sa ngayon ay nasa poder siya ng kaniyang pamilya sa Estados Unidos kasama ang anak niyang si Aki sa aktor na si Paulo Avelino at si Summer naman na anak nila ni Paolo Contis. Anim na taon din ang naging relasyon ni LJ at Paolo kung kaya naman hindi daw naging madali sa kaniyang tanggapin ang mga nangyari.

Minsan namang kinumpirma ng manager ng aktor na si Lolit Solis na wala raw third party sa naging hiwalayan ng dalawa dahil ang nangyari ay na-outgrow na lamang ang pagmamahal nila sa isa’t-isa. Setyembre 5, 2021 naman ng napansin ng publiko ang ibinahaging post ni LJ sa kaniyang social media account.

Nag-post siya ng ilang talata ng bibliya na nagsasabing “Unless the Lord builds the house, the builders labor in vain. Unless the Lord watches over the city, the guards stand watch in vain.”

Bagamat walang binanggit na pangalan ang aktres ay marami ang napaisip sa post niyang ito lalo na at kakahiwalay lang nila ni Paolo. Mayroon ding ilang mga usap-usapan na ang babaeng third party diumano sa hiwalayan nila ay walang iba kundi si Yen Santos na nakatambal mismo ng aktor sa pelikulang “A Faraway Land”.

Ngunit wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang mga panig.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media