Connect with us

Viral

Kwento ng isang beauty queen mula sa Ecuador, nagbigay inspirasyon sa maraming mga kababaihan sa buong mundo!

Published

on

Mahilig tayong mga Pilipino sa mga beauty pageants at iyong mga patimpalak kung saan magwawagi ang pinakamaganda sa lahat. Sa ngayon ay mayroon na rin tayong kaniya-kaniya nating pamantayan pagdating sa kagandahan.

Madalas ay hindi na rin natin nabibigyang-halaga ang ugali ng isang tao dahil masyadong tayong nakapokus sa nakikita lamang ng ating mga mata. Marami ang nagagandahan sa mga may kayumangging kulay ng balat habang ang iba naman ay mala-Diyosa ang tingin sa mga may porselanang balat.

Mayroon din namang tumitingin sa kagandahan at pagiging busilak ng puso ng isang tao sa halip na panglabas na kagandahan lamang ang tingnan. Kamakailan lamang ay kumalat ang mga larawan at ang nakakamanghang kwento ng isang kandidata na ito.


Siya ay si Victoria Salcedo. Isa siya sa mga kandidata sa Miss Ecuador 2021. Siya ay 23 taong gulang na at talaga namang marami ang namangha sa angkin niyang kagandahan.

Noong siya ay 5 taong gulang pa lamang ay nakaranas siya ng matinding aksidente na naging dahilan upang maputulan siya ng mga kamay at paa. Sa ngayon ay gumagamit na lamang siya ng “prosthesis” sa kaniyang kaliwang binti.

Sa kabila ng pangyayari na ito ay hindi siya napigilan na ipagpatuloy pa rin ang kaniyang pangarap. Sa ngayon ay nag-aaral siya ng kursong “journalism” at isa rin siyang “influencer”.

Mahilig din siyang mag-swimming at sumubok ng maraming mga bagay sa kabila ng kaniyang kalagayan. Bagamat hindi siya pinalad na makapagpatuloy sa patimpalak na ito ay pinatunayan naman niyang walang imposible sa taong may pangarap.

Hindi hadlang ang hitsura o ang sitwasyong ng ating katawan upang tuluyan na tayong sumuko sa buhay. Hanggang mayroong mga taong naniniwala at nagtitiwala sa ating kakayahan ay hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.

Tiyak na hindi dito matatapos ang adbokasiya ni Victoria dahil muli siyang susubok ng mas marami pang mga bagay na hindi kayang hadlangan kahit pa ng kaniyang kapansanan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media