Connect with us

Showbiz

Kisses Delavin, P1,000 ang baon noong siya ay nag-aaral pa ng kolehiyo ngunit P100 lamang kaniyang ginagastos!

Published

on

Si Kirsten Danielle “Kisses” Tan Delavinay 22 taong gulang na aktres, beauty queen at recording artist. Marami ang humanga at napamahal sa kaniya nang maging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan siya ang tinanghal para sa ikalawang pwesto.

Sa ngayon ay marami din namang mga proyekto ang kaniyang ginagawa at kasalukuyan din s iyang sumasabak ngayon sa prestihiyosong Miss Universe 2021 pageant. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang buhay ni Kisses lalo na at nagsimula din talaga siya sa PBB.

Mayroon siyang nakababatang kapatid noon ngunit sa kasamaang-palad ay pumanaw ito sa edad na isang taong gulang lamang. Sa edad na 6 na taong gulang ay nagkasakit naman si Kisses at naka-coma ng halos isang araw.


“Miracle baby” kung ituring siya ng kaniyang mga magulang dahil sa walong naging pagbubuntis ng kaniyang ina ay siya lang ang nabuhay. Bata pa lamang ay hilig na talaga niya ang mga beauty pageants. Tatlong taong gulang lamang siya noon nang magsimula siyang sumali sa mga ganitong patimpalak.

Taong 2013 nang koronahan siya bilang “Miss Teen Masbate”, at “Miss Masbate” at “Miss Kaogma” naman taong 2016. Kamakailan lamang ay ikinagulat ng publiko ang naging rebelasyon ng aktres na siya pala ay nagbabaon ng Php1,000 noon siya ay nasa kolehiyo pa.

Nag-aral siya ng BS Accountancy sa DLSU bago pa man siya sumabak sa PBB at nang nahinto ito dahil dito ay saka na lamang niya ipinagpatuloy ang BS Administration course niya pagkalabas ng bahay ni Kuya. Nang minsan siyang kapanayamin ng batikang host na si Boy Abunda ay naikwento niyang Php1,000 daw kung pabaunan siya ng kaniyang mga magulang ngunit isang daang piso lamang daw ang kaniyang ginagastos.

Batid daw niya kasi na mahirap kumita ng pera kung kaya namanhindi niya ito basta basta ginagastos. Sa katunayan nga ay bata pa lamang daw ay nag-iimpok na siya at personal pang pumunta sa bangko upang itabi ang kaniyang naipong pera.

Talaga namang kahit lumaki siya sa marangyang buhay ay batid niya kung paano magpahalaga sa maraming mga bagay tulad na lamang ng pera.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media