Connect with us

Showbiz

Julia Barretto, sinabing susuko lamang siya sa isang relasyon kapag tinalikuran na siya ng kaniyang minamahal!

Published

on

Si Julia Francesca Barretto Baldivia ay mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Julia Barretto. Siya ang 24 taong gulang na anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Isa siyang kilalang aktres at modelo. Ngunit tulad ng maraming mga artista at sikat na personalidad ay marami din ang pinupukol na mga isyu sa kaniya.

Tulad na lamang ng naging paghihiwalay nila noon ng kaniyang on and off-screen partner na si Joshua Garcia. At nadawit din siya sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Pareho namang itinanggi ng dalawa ang mga usaping ito. Kamakailan lamang ay inamin at kinumpirma na nila ang kanilang relasyon na umani ng halo-halong mga komento sa publiko.

Ayon sa ilang mga netizens, hindi na sila nagtataka na umamin na ang dalawa dahil sa talaga naman daw na may namamagitan na sa kanila noon pa man. Mayroon din namang iilan na sumuporta at bumati sa kanila.


Sa ginanap na media conference ng bago niyang proyekto ay naitanong sa aktres kung ano ang mga bagay na magiging dahilan upang sumuko siya sa isang relasyon. Nang una ay medyo nalilito pa siya at hindi sigurado sa kaniyang magiging sagot ngunit nang nilinaw na sa kaniya ang katanungan ay sinabi naman nitong susuko na siya sa isang relasyon kapag umayaw na ang kaniyang minamahal at tinalikuran na siya nito.

Mararamdamannaman daw niya ito kung talagang ayaw na sa kaniya ng kaniyang partner. Dinagdag din niyang hindi na niya ipipilit pa ang kaniyang sarili sa taong ito kung ayaw na nito at hindi na siya nito mahal talaga.

Igagalang at rerespetuhin daw niya ang desisyon ng taong ito. Marami ang nagulat sa sagot ng aktres lalo na at masayang masaya ngayon ang puso niya dahil sa nobyo niyang si Gerald.

Inaabangan ng publiko ang mga susunod na pangyayari sa relasyon nilang ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media