Connect with us

Viral

Joel Cruz gumastos ng P52 milyong piso para sa surrogacy ng kaniyang walong mga anak!

Published

on

Binansagang “Lord of Scents” si Joel Cruz dahil sa naging matagumpay niyang pagtataguyod ng kaniyang “multi-million empire”, ang “Aficionado”. Nasa kaniya na ang lahat at kung tutuusin ay wala na siyang mahihiling pa.

Photo credit: Facebook/Joel Cruz Official

Ngunit pangarap niya talaga ang magkaroon ng sarili niyang mga anak. Napagdesisyunan niyang sumailalim sa surrogacy sa Russia dahil sa hindi ito legal sa Pilipinas.

Umabot ng P52 milyong piso ang kaniyang nagastos sa kaniyang walong mga anak na bunga lahat ng surrogacy. Siya mismo ang pumili sa ina ang kaniyang mga anak at ito ay walang iba kundi si Lilia.

Photo credit: Facebook/Joel Cruz Official

Matangkad si Lilia – 5’11” siya dahil nais ni Joel na maging matangkad ang kaniyang mga anak. Sa unang set ng kaniyang kambal ay gumastos siya ng hindi hihigit sa P12 milyong piso, isang babae at isang lalaki ang mga ito.

P11 milyon naman ang kaniyang ginastos sa kaniyang ikalawang kambal na parehong lalaki. Lalaki at babae ang kaniyang ikatlong set ng twins na umabot naman ng P11 milyong piso.
Ang kaniyang ikapito at ikawalong anak naman ay mayroong magkaibang mga ina. Solo babies sila at mayroon silang magkaibang mga ina.

Photo credit: Facebook/Joel Cruz Official

Umabot naman ng P9 na milyong piso ang kanilang surrogacy. Minsan nang inamin ni Joel na si Ogie Diaz mismo ang nagpayo sa kaniya na magkaroon ng sarili niyang mga anak upang mayroong magmana ng kaniyang mga pinaghirapan.

Hindi madali ang pagpapalaki ng walong mga anak ngunit masayang masaya si Joel dahil mas kumpleto na ang kaniyang buhay ngayon kaysa dati. Mayroon din siyang komunikasyon kay Lilia na ina ng kaniyang mga anak kahit na may sarili din itong pamilya ay hindi maipagkakailang malapit ang dalawang pamilya sa isa’t-isa.

Photo credit: Facebook/Joel Cruz Official

Tunay nga na walang imposible sa isang taong may pangarap. Wala din namang masama na gumawa ang paraan upang matupad ang mga pangarap na ito hanggang wala naman tayong tinatapakan na mga tao.

Sa dami ng pinagdaanan ni Joel ay deserving din naman siyang maging masaya sa kaniyang buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media