Connect with us

Viral

Isang taxi driver, binigyan ng full-scholarship ng Australian businessman na siyang may-ari ng luggage na kaniyang isanuli!

Published

on

Kapag nakakita ka ng isang naiwan na gamit sa iyong tabi, sa iyong sasakyan, sa iyong pinagtatrabahuhan, ano ang unang gagawin mo? Ano kaya ang unang bagay na papasok sa ating isipan bilang isang Pilipino?

Isasauli ba natin ito sa tunay na may-ari o di kaya naman ay hindi na tayo mag-aabala pang hanapin ang may-ari at gagamitin na lamang natin sa pangsarili nating interes ang gamit o pera na ating natagpuan? Hati man ang opinyon ng publiko patungkol dito ay mayroon pa ring iilan na mayroong matatag na pananaw tungkol dito.

Isa na marahil sa kanila si Reggie Cabutotan na isang taxi driver sa Baguio. Walang pag-aatubili kasi na ibinalik niya ang naiwanang bagahe ng isang Australian national sa kaniyang taxi.

Dahil sa napakagandang halimbawa na kaniyang ginawa ay mayroong gantimpala para sa kaniya ang dayuhang negosyante. Binigyan siya nito ng isang full-scholarship.


Inalok siya nito ng isang internship sa isang kompanya sa Australia na kung saan maaari siyang kumita ng aabot sa 1.7 milyong piso na “starting salary” kada taon kung matatapos niya ang kurso. Sa ngayon ay nag-aaral na siya sa VivixxTechnical Acadeny.

Malapit na din daw niyang matapos ang isang app na kaniyang ginagawa na tinawag niyang “Taxi Coder Tour Guide”. Ayon kay Reggie ito raw ay mayroong pagkakatulad sa Grab ngunit dinisenyo niya lamang ito para sa mga pumupunta sa Baguio.

Talaga namang nakakamangha ang kababayaan natin na ito na mula sa pagiging isang drayber, nanatiling matapat at mabuting tao, ngayon ay tiyak na makakamit na niya unti-unti ang kaniyang pangarap hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi lalong-lalo na para sa kaniyang pamilya. Patunay lamang ito na maaari pa rin pala talaga tayong mangarap gaano man kahirap ang buhay dahil darating din ang panahon na makakamit din natin ang matagal na nating pinapangarap na tagumpay!


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media