Connect with us

Viral

Isang OFW sa Malaysia, niregaluhan ng pera, cellphone at pampagamot bago ito tuluyang umuwi ng Pinas!

Published

on

Marami na tayong nababalitaan na trahedya at masamang karanasan ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Lalo na ang mga kababaihan na nagtatrabaho bilang domestic workers.

Credit: Maria Teresa Campos / Facebook

Talaga namang nagsusumikap sila at sumusugal sa kapalaran nila sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit hindi lahat sa kanila ay umuuwi pa ng buo at buhay sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas.

Credit: Maria Teresa Campos / Facebook

Buti na lamang ay kahit papaano ay marami pa ring magagandang kwento ang nababalitaan natin patungkol sa mga kababayan nating OFW tulad na lamang ng isang Pinay nanny na ito sa Malaysia na nakatagpo ng isang napakabait na amo. Kailangan na kasing umuwi ng Pinas ni Maria Teresa Campos, isang Pinay nanny sa Malaysia upang magpagamot at para na rin maalagaan ang kaniyang sariling pamilya.

Limang taon na rin siyang naninilbihan sa Maria sa kaniyang amo. Ayaw sana siyang paalisin ng kaniyang amo ngunit wala rin naman silang magagawa dahil sa napagdesisyunan na ito ni Maria.

Credit: Maria Teresa Campos / Facebook

Puro magagandang bagay lamang ang nasabi ng amo ni Maria sa kaniya. Dahil sa napakasipag daw talaga nito na tatlong beses naglilinis ng kanilang bahay sa loob ng isang araw.

Palagi din nitong inaalagaan at inaasikaso ang kaniyang mga anak na talaga namang ikinatutuwa niya ng husto bilang isang ina. Kung kaya naman sa pag-alis at tuluyang pamamaalam nila sa isa’t-isa ay binigyan pa ng pera, bagong cellphone at pampagamot ng kaniyang amo si Maria.

Credit: Maria Teresa Campos / Facebook

Hindi rin daw kasambahay o katulong ang turing nila sa Pinay dahil para sa kanila ay bahagi na siya ng kanilang pamilya. Sa paglipas daw ng panahon at malaki na ang kaniyang mga anak, tiyak daw na ipahahanap ng amo si Maria sa mga anak nito.

Nais din niyang magkaroon ng magandang buhay si Maria pag-uwi sa Pinas kung kaya naman naglaan talaga ito ng pera para sa kaniya. Laking pasasalamat din naman ni Maria na nakatagpo siya ng mga amo na hindi siya itinuring na ibang tao at minahal siya bilang bahagi ng kanilang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media