Connect with us

Viral

Isang farm owner, nilibre ang kaniyang mga masisipag na tauhan sa isang sikat na fast food chain!

Published

on

Hindi madali ang mangamuhan o magtrabaho na mayroong mga amo. Mahirap talaga na marami kang kailangang sundin na amo sa iyong trabaho kung kaya naman marami na rin sa ating mga Pilipino ang nagsusumikap upang magkaroon sila ng sariling negosyo at pagkakakitaan.

Credit: SOX Peppers / Facebook

Sa kabilang banda, mayroon pa rin namang mga kababayan natin ang nakakatagpo at nakakakilala ng mga mabubuting amo. Tulad na lamang ng farm owner na si Josue Carmen Jr.

Marami ang humahanga sa kaniya ngayon dahil sa pagtrato niya sa kaniyang mga tauhan. Siya ay mayroong farm sa Surallah, South Cotabato.

At dahil sa tulong ng kaniyang mga tauhan ay nagkaroon sila ng masaganang ani. Dahil dito ay sabaya-sabay silang nananghalian sa isang sikat na fast food chain.
Nasorpresa din naman si Carmen nang malaman na unang beses pala ng kaniyang mga tauhan ang makakakain sa lugar na ito. Nais lang naman niyang pasalamatan ang kaniyang mga tauhan sa naging kontribusyon nila sa naging masaganang ani nila nang linggong iyon ngunit hindi niya akalain na magkakaroon pala ito ng mas matimbang na kahulugan sa kaniyang apat na mga tauhan.

Credit: SOX Peppers / Facebook

Ayon din naman kay Carmen, hindi lamang ang kanilang mga produkto ang kanilang pinahahalagahan kundi maging ang kanilang mga tauhan na siyang susi ng matagumpay at masagana nilang pag-ani ng siling atsal. Tunay nga na hindi lahat ng mga nagtatrabaho ay mayroong mabait na amo.

Isang amo na hindi trabahador ang turing sa kaniyang mga tauhan kundi kaibigan at bahagi mismo ng kanilang pamilya. Labis din namang nagpasalamat ang apat niyang mga tauhan dahil sa ipinamalas na kabutihan ng kanilang amo sa kanila.

Sa hirap ng buhay ngayon ay hindi na alintana ng marami sa atin ang hirap ng trabaho. Kung kaya naman napakalaking bagay talaga kung ang kanilang mga amo ay may mabubuting puso tulad na lamang ni Carmen.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media