Connect with us

Viral

Isang babaeng nasangkot sa banggaan, namataang nakikipag-holding hands sa driver ng nakabanggang sasakyan!

Published

on

Hindi maiiwasan ang aksidente sa kalsada at talaga namang araw-araw ay napakaraming nangyayaring ganito hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo. Bagamat hindi talaga natin maiiwasan ang mga pangyayaring ito lalo na sa mga pangunahing kalye at daan ay dapat na maging alisto pa rin tayo at laging handa.

Mas maiingatan kasi natin ang buhay natin at buhay ng ibang tao sa ganitong pamamaraan. Ngunit hindi lamang pala ang pag-iingat at pagiging alisto ang dapat nating tandaan sa tuwing tayo ay nasa gitna ng kalye o kalsada.

Kailangan din nating maging handa sa mga negosasyon lalo na kung tayo mismo ang sangkot sa ilang mga aksidente. Kadalasang nagbabayad na lamang ng pera ang taong nakabangga sa driver na perwisyo o naabala nito.


Ngunit kakaiba ang pamamaraan ng isang babaeng ito na mula sa Guilin, Guangxi, China matapos niyang mabangga ang sasakayan ng isang lalaki. Ayon sa ilang mga saksi, ang naturang babae ang may-ari ng isang kulay brown na BMW habang ang nakabanggaan naman niya ay mayroong gamit na silver na sasakyan.

Marami ang nagulat nang makita ang babae na nakikipag-holding hands sa lalaking nakabangga nito habang nakikipag-areglo ito. Aakalain mong magkasintahan ang dalawa dahil sa “sweet gestures” ng mga ito na nakuhanan pa mismo ng kamera.

Mayroon ding ilang kuhang larawan kung saan makikita ang tila paghawak at paghaplos ng babae sa katawan ng lalaki. Makikita din na tila maamo at nakikiusap ng husto ang babae sa lalaki.

Mayroon ding mga saksi na nagsabing narinig nila ang babae na nagsabing “Everything can be solved.” Agad namang sagot ng lalaki ay kung papaano ito mangyayari, “You can do anything” ang tanging sagot ng babae.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung ano nga kaya ang napagkasunduan nila patungkol sa insidenteng ito? Isang napakabilis na pag-aareglo mula sa magkabilang panig.

Source: Trendzilla


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media