Connect with us

Showbiz

Heart Evangelista, sinagot na ang mga netizens na humuhusga sa kaniyang katawan dahil raw hindi pa siya magkaanak!

Published

on

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o si Heart Evangelista ay 36 na taong gulang na aktres, TV host, singer, avisual media artist, philanthropist, at socialite. Talaga namang marami ang nagmamahal at humahanga sa kaniya hindi lamang sa kaniyang angking kagandahan kundi maging sa pambihira niyang talento bilang isang artista.

Inaabangan din ng marami ang kaniyang mga OOTDs sa kaniyang social media accounts na lahat ay talagang mula sa mga kilala at mamahaling mga brand. Taong 2015 nang ikasal siya sa kaniyang mister na si Governor Francis “Chiz” Escudero.

Madalas nating makita ang mga magagandang larawanat videos ni Heart sa kaniyang social media posts. Hindi siya papahuli lalo na sa mga komportable at nakapagandang mga damit at sapatos.

Talaga namang kayang-kaya niyang dalhin ang kahit ano mang damit o maskara ang ipasuot sa kaniya. Nasa kaniya na ang lahat ng kaya natig pangarapin sa ating buhay.
Mayroon siyang mamahaling mga bag, damit, sapatos at marami pang iba. Talaga namang napakarami niya pa ring tagahang hanggang sa ngayon.

Minsang nagbahagi siya ng kaniyang napakagadang larawan sa beach ay inulan naman ito ng mga panget na salita mula sa maraming tao. Mayroon ding nagsabi sa kaniya na tila hindi raw nagagamit ng maayos ang kaniyang katawan dahil hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang anak.

Marami pang mga masasakit na salita ang nakikita at nararamdaman. Sa kabilang banda, ilang mga netizen pa nagbahagi ng kanilang pagkabighani sa napakagandang si Heart.

Bandang huli ay sinabi nitong hidni naman siya galit ngunit kailan lang talagang maisiwalat ang mga ganitong uri ng bagay lalo na kung paulit-ulit nangyayari sa kanilang buhay. Napakasakit hindi lamang sa isang sikat na artista gaya niya kundi para na rin sa mga kababaihan na matagal nang nagnanais ng anak ngunit hindi pa mabiyayaan hanggang ngayon.

Marami mang mga mapanghusgang mata sa paligid ay mayroon pa ring iilan na kasama ninyong magdarasal upang balang-araw ay makamit na ninyo ang matagal n’yo nang inaasam-asam.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media