Connect with us

Showbiz

Dani Barretto ibinahagi ang masayang birthday celebration ng kaniyang anak na si Millie sa gitna ng pandemya!

Published

on

Bilang mga magulang, wala tayong ibang hangad para sa ating mga anak kundi ang ikaaayos at ikatatagumpay ng kanilang buhay. Tayo ay gumagabay lamang at sumusuporta sa kanila sa abot ng ating makakaya.


Ngunit habang sila ay musmos pa, talagang nagsusumikap tayo na ibigay ang lahat ng kanilang mga pangangailangan. Hindi rin naman natin pinapalampas ang kanilang kaarawan.

Tulad na lamang ni Dani Barretto. Kamakailan lamang ay nagdiwang ang kaniyang anak na si Baby Millie ng ikalawang taong kaarawan nito.

Bagamat mayroon pa rin tayong nararanasan na pandemya sa ngayon ay nairaos naman ng mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio ang espesyal na araw ng kanilang unica hija. Nagbahagi din ng isang sweet na mensahe si Dani para sa kaniyang anak.


Binati niya ito at inilarawan bilang kaniyang anghel dito sa langit. Sinabi din niyang mula nang isilang niya si baby Millie ay mas nagkaroon na ng kahulugan ang kaniyang buhay.

Kasama din nilang nagdiwang ang pamilya ni Dani – ang kaniyang ina na si Marjorie Barretto at ang kaniyang mga kapatid. Kitang-kita din naman sa mga mata ni Baby Millie kung gaano siya kasaya sa kaarawan niyang ito.


Marami din namang mga sikat na personalidad at mga netizens ang bumati para sa kaarawan na ito no Baby Millie. Nagkaroon ng maraming likes, reactions, at comments ang mga larawang ito nina Dani habang nagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang anak.


Tunay nga na walang makakapantay sa pagmamahal at pag-aasikaso ng ating mga magulang sa atin. Mapalad si Baby Millie dahil marami ang nagmamahal sa kaniya.

Nagsisilbi din naman siyang biyaya para sa kaniyang mga magulang at sa mga taong malalapit sa kanila. Si Aynrand Danielle Barretto o mas nakilala natin bilang si Dani Barretto ay 28 taong gulang na social media influencer at fashion blogger.


Siya ay anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media