Connect with us

Showbiz

Beauty Gonzales at anak niyang si Olivia, masayang masaya sa naging bakasyon nila sa Paris!

Published

on

Si Christine Marie “Beauty” Luche Gonzalez-Crisologo o mas nakilala natin bilang si Beauty Gonzalez ay 30 taong gulang na aktres mula sa Dumaguete City. Marahil ay isa sa pinakakilala niyang karakter ay si Romina Mondragon.

Ito ang karakter na ginampanan niya sa “Kadenang Ginto” kasama sina lbert Martinez, Dimples Romana, Adrian Alandy, Andrea Brillantes, at Francine Diaz noong taong 2018 hanggang 2020. Dahil sa pambihirang husay na kaniyang ipinakita sa pagganap sa kaniyang karakter ay mas marami pa ang nakakilala at sumuporta sa kaniya.

Sa ngayon ay marami pa ring proyekto ang ipinagkakatiwala sa kaniya. Kahit pa gaano siya kaabala sa kaniyang trabaho bilang isang artista ay sinigurado niyang may oras pa rin siya para sa kaniyang pamilya.

Sa katunayan ay nagbakasyon sila ng kaniyang anak na si Olivia sa City of Lights, ang Paris. Isa sa pinakapaborito niyang lugar dito ay ang Paris Disneyland. Masayang masaya ang aktres dahil sa nakasama niya ang kaniyang anak sa pamamasyal sa mga magagandang lugar na ito.

Aminado naman daw ang aktres na hindi madali ang pagbabakasyon sa ibang bansa at talagang nakakapagod ito. Ngunit hindi siya nagrereklamo dahil napakapalad daw niyang maranasan ito lalo na at kasama pa ang kaniyang mga mahal sa buhay.

“Life is BeautyFul”, wika pa ng aktres.

Ibinahagi din naman ni Beauty ang napakaraming mga bagay na kanilang nagawa sa loob lamang ng 2 araw. Nagawa din daw niyang malampasan ang kaniyang takot sa mga rides na ito.

Tunay nga na kapag ikaw ay naging isang magulang na, mas magiging matapang ka na harapin ang maraming mga bagay kahit pa nga ang sariling takot mo. Isa rin sa mga aral na ibinahagi sa atin ni Beauty na kahit gaano pa tayo kaabala sa ating buhay ay huwag dapat nating kalimutan na maglaan ng oras para sa ating pamilya lalo na para sa ating mga anak.

Dahil payo nga ng mga matatanda, minsan lang sila bata.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media