Connect with us

Showbiz

Andrea Torres muling nagpa-wow ng mga netizens dahil sa kaniyang napakaliit na baywang!

Published

on

“Ang ganti ng babaeng api!” – Ganyan ang mga linyahan ngayon ng mga babaeng iniwanan at sinaktan ng kanilang minamahal para sa ibang babae. Talaga namang napakasakit ng ganitong karanasan at hindi mo nanaisin na maranasan mo ito.

Madalas kasi itong mangyari sa karamihan sa atin, kahit na ibinigay naman natin ang lahat at nagmahal naman tayo ng todo-todo, tila ba may mga lalaking hindi talaga makukuntento sa iyo at maghahanap pa rin ng iba. Marami nang mga ganitong kontrobersiyal na balita ngayon ang nagkalat online.

Ngunit para sa aktres na si Andrea Torres, hindi siya ang nawalan kundi ang taong nanakit at nang-iwan sa kaniya. Muli na naman niyang pinatunayan na hindi kailangan ng isang babae ang isang lalaking hindi naman karapat-dapat sa kaniya.

Napakaganda ng estado ng buhay ngayon ni Andrea dahil kabi-kabila ang kaniyang mga proyekto. Marami din naman ang labis na humahanga sa kaniya dahil hindi niya pinababayaan ang kaniyang sariling kalusugan lalong-lalo na ang kaniyang pangangatawan.


Hindi na bago ang mga seksing larawan na ibinabahagi niya sa kaniyang social media account ngunit palaging namamangha pa rin ang kaniyang mga fans at iba pang mga netizens. Sino ba naman ang hindi napa-wow sa kaniyang mga larawan kamakailan lamang habang nagbabakasyon siya kasama ang kaniyang pamilya sa “The Farm” sa San Benito sa Batangas?

At muli na namang nagbahagi ang aktres ng isang napakagandang larawan kung saan makikita ang napakaliit niyang baywang! Nagbiro pa nga ang aktor na si Mikoy Morales kung nasaan daw ba ang baywang ng aktres?

“Grabe ang payat!” naman ang naging komento ni Ashley Ortega. Inulan din ng napakaraming mga komento at “fire emojies” ang post na ito ng aktres. Hindi lamang isang mahusay na aktres si Andrea dahil maraming mga kababaihan din ang nabibigyan niya ng inspirasyon hindi lamang sa pag-aalaga sa kanilang katawan kundi inspirasyon din upang mas pahalagahan nila ang kanilang mga sarili bago ang iba.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media