Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, ibinahagi ang naging pag-aani nila ng kamote at sea urchins para sa kanilang masayang picnis sa isla ng Siargao!

Published

on

Napakaraming magagandang lugar at tanawin dito sa Pilipinas. Ayon din sa ilang mga libro at dokumentaryo na ating nababasa at napapanuod ay mayaman talaga ang ating bayan pagdating sa mga nakakamanghang tanawin at mga yaman na dito lamang makikita sa atin.

Hindi na nakapagtataka na maraming mga dayuhan ang talagang naiingganyong manirahan at tuluyan nang magretiro dito. Ngunit hindi lamang pala mga banyagang turista ang nabibighani sa ganda ng ating bayan kundi maging ang ilang mga artista tulad na lamang ng aktres na si Andi Eigenmann.

Hindi man naging maganda ang mga karanasan niya noon nang siya ay nag-aartista pa, ngayon ay mas marami na siyang natutunan sa buhay. Kung noon ay tila ba napakaraming kulang sa kaniyang buhay at talagang hindi siya makuntento sa marangyang buhay, ngayon ay napakasaya na niya at ng kaniyang mga anak sa simpleng pamumuhay nila sa isla ng Siargao kapiling ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo, isang professional surfer.


Madalas ding mapanuod ang mga videos ng aktres sa kanilang YouTube channel na Happy Islanders. Dito ay ipisilip niyang muli ang masayang picnic na ginawa nilang mag-anak kasama ang malalapit nilang mga kaibigan.

Ayon kay Andi, nag-ani talaga sila ng mga kamote mula sa kanilang bakuran at nanguha din ng mga sea urchins sina Philmar upang maihanda sa kanilang munting picnic. Sa panahon ng pandemya ngayon, nakakatuwa pa ring makakita ng mga ganitong tanawin.

Masaya at talagang nagmamalasakitan sila sa isa’t-isa kapiling ang mga batang anak ng mag-asawa. Maraming mga netizens din ang namangha sa aktres dahil sa makikita talaga sa kaniyang mga mata ang tunay na kaligayahan at pagiging kuntento sa buhay ngayon kahit pa nga simple na lamang ang kaniyang pamumuhay.

Ibinahagi din ng aktres na magkakaroon na ng surfing school ang kaniyang fiance at ang magiging in-house surf instructors nila ay ang “The Boys” na sina Long, Ben, Remar, Tata at Yuge.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media