Connect with us

Viral

Anak, labis na naantig nang masaksihan ang sakripisyong ginagawa ng ama para sa kanila matapos nitong mawalan ng trabaho!

Published

on

Aminin man natin o hindi, marami sa ating mga anak ang madalas na nagrerebelde at nakakalimutang gumalang sa ating mga magulang. Hindi natin nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga naging sakripisyo nila mula pa noong tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ng ating mga ina hanggang sa oras na tayo ay nagkaroon na ng sarili nating pagpapasya sa buhay.

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami na sa atin ngayon ang nakakaranas ng matinding pagsisisi sa huli. Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa video na ito na kuha mismo ng isang anak na hindi napigilang maluha nang makita ang sakripisyo ng kaniyang ama.

Ayon sa Facebook user na si Aldi Relqno, nagtataka siya sa kaniyang ama dahil sa tuwing hapunan na ay hindi ito sumasabay sa kanila at sinasabing busog pa siya. Lingid sa kaalaman ng anak ay bumabangon pala ang kanilang ama sa madaling-araw at kumakain ng palihim.

Ang ulam ng kaniyang ama ay bagoong at sibuyas lamang na nilagyan nito ng kaunting toyo at mantika. Sa halip pala na sumabay kumain ang kanilang ama sa kanila ay nagtitiis na lamang ito at ipinapaubaya sa kanila ang pagkain.

Dagdag pa niya, OFW noon ang kaniyang ama ngunit sa kasamaang-palad ay naaksidente ito sa kaniyang trabaho. Nasagasaan ng trak ang kaniyang ama kung kaya naman ngayon ay hindi na ito makapagtrabaho pa ng maayos at nasa bahay na lamang.

Marso 18, 2021 nang mangyari ito at hanggang ngayon ay wala pa ring progreso sa kaniyang kaso. Umaasa ang buong pamilya na makakamit nila ang hustisya para sa nangyari sa kanilang ama at humingi na rin siya ng tulong sa publiko kung sino mang may nais na magbigay ng tulong pinansiyal para sa kanilang ama.

Talagang umantig ng husto sa publiko ang kwento na ito kung kaya naman maraming mga netizens ang nagkomento at nag-react sa naturang post. Dalangin din ni Aldi na mapansin ni Raffy Tulfo ang mahirap na kalagayan ngayon ng kanilang ama at matulungan din ito sa kaniyang kaso.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media