Connect with us

Showbiz

Alex Gonzaga natupad ang pangarap ng isang 12 taong gulang na valedictorian na magkaroon ng isang traysikel para sa kaniyang ama na hatid ni Sec. Tugade!

Published

on

Si Catherine “Alex” Cruz Gonzaga-Morada, o mas nakilala natin bilang si Alex Gonzaga ay 33 taong gulang na host, actress, singer, komedyante, entrepreneur, vlogger, at author. Isa siya sa mga hinahangaan at iniidolo ngayon ng maraming mga Pilipino.

Hindi lamang dahil sa natural na pagiging masayahin nito kundi dahil sa mayroon talaga siyang malambot at mabuting puso para sa kaniyang kapwa. Sa katunayan, kamakailan lamang ay natupad niya ang kahilingan ng isang 12-anyos na bata na magkaroon ng isang traysikel para sa kaniyang ama.

Sa naging MRT-3 vlog nila ni DOTr Secretary Arthur “Art” Tugade noong Hulyo 25, 2021 ay napag-usapan nila na mayroong isang mapalad na netizen na mabibigyan ng isang libreng traysikel mula mismo kay Sec. Tugade. Agad naman siyang pumayag sa ideyang ito ni Alex.

Ang napili ni Sec. Tugade ay walang iba kundi si Vincent Sotalbo na mula sa Nagcarlan, Laguna. Nagustuhan ng secretary ang kaniyang kasagutan sa tanong ni Alex na ano ang paborito nilang proyekto ng DOTr ngayon.

Ibinahagi naman ni Vincent na isa palang consistent scholar sa Rizal Standard Academy na mas malinis na raw ang mga pampublikong sasakyan ngayon kumpara dati. Maganda rindaw na mayroon nang air-conditioning unit ang mga ito at naipapatupad daw ang mga safety protocol sa kabila ng pandemya.

Dagdag pa ni Vincent, madalas daw nasisiraan ng sasakyan ang kaniyang ama kung kaya naman hindi napapakinabangan pa ang kanilang pampasadang traysikel. Sa ngayon ay mapalad siyang napili ni Sec. Tugade at tiyak na makakatulong sa kaniyang pamilya ang sasakyan na ito.

Sa hirap ng buhay ngayong pandemya ay talagang napakalaking biyaya nito sa buong pamilya ni Vincent. Mas makakadagdag din ito sa panggastos nila lalo na ngayon at papasok na rin ang kaniyang kuya sa kolehiyo.

Tunay nga na sa kabila ng mahirap na sitwasyon natin sa ngayon ay marami pa ring mga tao ang nagiging instrumento upang matulungan ang kanilang kapwa na nagsusumikap at patuloy ding lumalaban sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media