Connect with us

Showbiz

Vice Ganda, sinorpresa ng isang bago at napakagandang bahay ang kaniyang buong pamilya na mula sa kaniyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho!

Published

on

Pamilya ang sandigan ng marami sa atin. Ang ating pamilya ang nagsisilbi nating lakas, suporta, at karamay sa gitna ng napakaraming mga pagsubok sa buhay.

Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na mas marami sa ating mga Pilipino ang mayroong mataas na respeto at pagpapahalaga sa ating pamilya. Tulad ng marami sa atin, prayoridad din ni Vice Ganda ang kaniyang pamilya.

At nito lamang ika-13 ng Agosto ay ibinahagi ng sikat na komedyante ang napakagandang sorpresa niya para sa kaniyang buong pamilya. Itinaon talaga nila ng kaniyang nobyong si Ion Perez ang sorpresang ito sa kaarawan ng kaniyang ate Tina.

Ang inakala nilang pagkain lamang sa labas ay isa palang bonggang sorpresa na talagang hindi nila inakala. Napatanong pa nga ang nanay ni Vice na si nanay Rosario kung prank lang ba ito ng komedyante na agad namang nilinaw ng huli na totoo nga talaga.


Hindi rin naman makapaniwala si Doc Tina na maghahanda ang kaniyang kapatid ng ganito kagarbong sorpresa. Laking gulat din naman ng kaniyang pamangkin na si Camille na sa 12 taong paninirahan ng kanilang mag-anak na binubuo ng 12 miyembro sa Tambunting, Maynila ay talagang naging masaya silang magkakasama.

Labis ang pasasalamat at kaligayahan ng buong pamilya ni Vice sa kaniya dahil sa kaniyang kabaitan. Ayon naman kay Vice, nais niya talagang gawin ang lahat ng kaniyang magagawa hanggang mayroon pa siyang oras at panahon dahil sa gitna ng mga nararanasan natin sa ngayon ay hindi tayo makakasiguro sa ating buhay. Sobra din naman ang kaniyang ipon kung kaya talagang inihanda na niya ang regalong ito para sa kaniyang buong pamilya.

Sa ngayon ay mas nais na rin niyang maglaan ng oras at gumawa ng magagandang alaala kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay. Maraming mga netizens naman ang talagang naantig sa vlog na ito ni Vice na nagpapakita lamang kung gaano niya kamahal ang kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media