Connect with us

Viral

Simpleng sorpresa ng mga apo para sa kaarawan ng kanilang lolo, labis na umantig sa puso ng mga netizens!

Published

on

Ang mga bata ay sadyang inosente at talaga namang wala silang ibang nais kundi ang iparamdam sa kanilang pamilya ang kanilang pagmamahal. Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng ganitong kaugalian, ang pagmamahal at pagrespeto sa ating pamilya.

Photo credit: Geraldine Tudtud

Hindi rin naman maikakaila na marami sa atin ang talagang malapit sa ating mga lolo at lola. Sa katunayan pa nga ay marami na rin sa atin ang lumaki sa kanilang mga pangaral at pangangalaga.

Madalas kasing abala ang ating mga magulang kung kaya naman ipinagkakatiwala nila tayo sa ating lolo at lola. Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa ginawang ito ng mga bata na pagsorpresa sa kanilang lolo.

Photo credit: Geraldine Tudtud

Ayon sa kanilang ina na si Geraldine Tudtud na siya mismong nagbahagi ng ilang larawan at video ng kaniyang mga anak, ninais daw talaga ng kaniyang mga anak na sorpresahin ang kanilang lolo. Payak lamang ang pamumuhay ng mag-anak kung kaya naman wala silang kakayahang magdaos ng isang magarbong salo-salo o selebrasyon.

Ngunit para sa pinakamamahal nilang lolo ay ipinambili nila ng chocolate cupcake ang kanilang Php20.00. Mayroong munting kandila ang kanilang chocolate cake at hindi rin nila kinalimutan na magdala ng pangsindi.

Photo credit: Geraldine Tudtud

Talaga namang nakakamangha ang kanilang naisip na sorpresa hindi ba? Kitang-kita sa mga larawan at video na talagang pinaghandaan nila ang sorpresa nilang ito para sa kanilang lolo na si Lolo Medardo.

Photo credit: Geraldine Tudtud

Sa murang kaisipan ng mga batang ito ay nagawa nilang pasayahin ang kanilang lolo sa kaniyang kaarawan. Tunay ngang naging mabigat na hamon ang pandemyang ito sa atin lalong lalo na sa mga kabataang hindi maaaring lumabas ng kanilang tahanan.

Photo credit: Geraldine Tudtud

Sa kabila ng sakripisyo at pagtitiis natin ay kakikitaan pa rin natin ng pag-asa ang mag-anak na ito lalong lalo na ang mga apo ni Lolo Medrado. Tiyak na punong-puno ng kasiyahan ang kanilang pamilya basta’t sila ay sama-sama.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media