Connect with us

Showbiz

Ryzza Mae Dizon, malaki na ang pinagbago sa loob ng 4 na taon mula nang bansagan siya bilang “Aleng Maliit”!

Published

on

Marami na ang nagbago sa ating paligid sa paglipas ng panahon. Kung dati ay nasanay tayo sa tahimik na probinsiya na kakaunti lamang ang mga tao, ngayon ay padami na rin ng padami ang mga tao at mga establisyemento sa ating mga probinsiya.

Maging ang mga bagay na nakasanayan natin noon ay malaki na rin ang pinagbago. Mula sa mga simpleng pamamaraan hanggang sa paggamit ng makabagong gadgets sa ngayon ay talaga namang napakarami nang nagbago.

Hindi rin naman nakalampas ang mga paborito nating personalidad sa napakaraming pagbabagong ito. Maging sila mismo ay nakaranas din ng pagbabago sa kanilang pisikal na anyo tulad na lamang ng naging pagbabagong ito sa child star host na si Ryzza Mae Dizon.

Si Ryzza Mae de Guzman-Dizon ay 16 na taong gulang na aktres at host. Siya ay sumikat noong taong 2012 matapos niyang magwagi sa “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga!

Anim na taong gulang pa lamang siya noon ngunit napakabibo na talaga niya. Animo’y isang matandang babae na ang iyong kausap kahit pa nga siya ay munting paslit pa lamang noon.
Sa paglipas ng panahon ay ganap na siyang isang dalaga. Marami ang nakapansin nito matapos niyang mag-post ng kaniyang throwback picture na kuha nito lamang 2017.

Suot suot niya ang kaniyang kulay “gray” na bistida sa isang larawan kung saan mayroon din siyang bangs. Sa kaniyang bagong larawan naman ay suot pa rin niya ang kaniyang bistida ngunit halatang malaki na ang naging pagbabago sa kaniyang pangangatawan.

Wala na rin siyang bangs at dalagang-dalaga na. Maraming mga netizens ang nakapansin sa naging pagbabagong ito ni Ryzza. Maging ang kaniyang mga kapwa artista ay nagkomento rin sa kaniyang post.

Ilan sa kanila ay sina Ryan Agoncillo, Valeen Montenegro, at marami pang iba. Tunay nga na hindi na maliit ang “Aling Maliit” na minahal natin noon, sa ngayon ay mas marami pa siyang mga talentong ipinapamalas sa ating mga Pilipino na magsisilbi ding inspirasyon sa maraming mga kabataan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media