Connect with us

Viral

Naaalala n’yo pa ba ang dating PBB housemate na si Franzen Fajardo? Ito na pala ang buhay niya ngayon matapos niyang lisanin ang showbiz!

Published

on

Si Franzen Fajardo ay 39 na taong gulang na aktor, TV host at dating PBB housemate. Nakilala siya ng publiko bilang isa sa mga pasaway na PBB housemates noon.

Photo credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Kinailangan niyang lumabas na kaagad ng Bahay ni Kuya matapos niyang gumawa ng maraming mga paglabag sa loob nito. Nabigyan din naman siya ng ilang mga proyekto noon kung saan pinamalas niya ang kaniyang talento sa pagpapatawa bilang isang komedyante.

Photo credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Marami ang bumilib dahil sa pagiging totoo at sa nakakatuwang personalidad niya. Ilang taon na rin ang nakararaan ng huli natin siyang masilayan sa harapan ng kamera. Sa vlog ng talent manager at isa ring sikat na komedyanteng si Ogie Diaz noong Agosto 2, 2021 ay naitampok ang simple at tahimik na pamumuhay ngayon ni Franzen.

Photo credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Mayroon na siya ngayong negosyo na salon na tinawag niyang Bebeloves Salon na matatagpuan sa Marilao, Bulacan. Katuwang niya ang kaniyang asawang si Sharina sa pamamalakad ng kanilang munting negosyo.

Nang tanungin siya ni Ogie kung nais pa niyang bumalik sa showbiz, ang tanging sagot lamang niya ay “85% to 95% yung parang puso ko, isip ko ayaw na sa showbiz. Pero yung 10% to 15% gusto pa.

Photo credit: Ogie Diaz Youtube Channel

Sabi ko parang ‘di ko siya grinab, though yung asawa ko gusto pero ayoko.” Pahayag ni Franzen. Naibahagi din niya na noon ay humantong sa punto na kailangan niyang mangutang ng pera sa kapwa niya artista.

Bagamat hindi siya napahiram o napautang ng ilan sa kaniyang mga nilapitan noon ay hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Ngunit ang karanasan daw na iyon ay talagang hindi niya makakalimutan.

Para din kay Franzen ay hindi naman kailangang umasa lang sa showbiz upang magkapera, umasenso, o yumaman. Masaya na siya sa kung anong mayroon siya ngayon lalo na at kasama naman niya ang kaniyang asawa sa pagpapalago ng kanilang munting negosyo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media