Connect with us

Viral

Mura, hindi napigilang maiyak matapos makatanggap ng Php100,000 na tulong mula sa vlogger na si Virgelyncares!

Published

on

Marami na tayong nababalitaan na masasamang pangyayari sa bansa. Ilan sa mga ito ay ang patuloy na paglaganap ng COVDI-19 sa bansa at sa buong mundo, ang hindi masugpong korapsyon at kahirapan, krimen, droga at marami pang iba.

Hindi na rin lingid sa kaalaman nating lahat ang hindi magandang mga laman ng social media ngayon na pananamantala ng ibang tao, panloloko o scam, at maging ang pamamahiya hindi lamang sa mga sikat na artista kundi maging sa mga ordinaryong tao din. Sa kabila ng napakaraming mga bagay na ito ay patuloy pa rin tayong nagsusumikap na maging positibo at gumawa ng mabuti sa ating kapwa.

Marami sa atin ang talagang tumutulong sa mga nangangailangan sa abot ng ating makakaya kahit sa simpleng bagay lamang. Tulad na lamang ng ginawang pagtulong ng isang vlogger kay Mura. Si Mura ay nakilala bilang katambal ni Mahal sa marami nilang naging proyekto noon.

Ngunit tulad nga ng madalas sabihin ng matatanda, ang pag-aartista ay hindi panghabang-buhay. Unti-unting kumonti ang mga proyekto ni Mura hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng trabaho.

Sa ngayon ay nakatira na lamang siya sa probinsiya kung saan siya nagtatanim at nagsasaka. Minsan na siyang naitampok ng vlogger na si Virgelyn sa programa niyang Virgelyncares 2.0.

Siya ay si Marco Rodriguez sa tunay na buhay. Noon pa man ay kilala na siyang tumutulong sa mga taong nangangailangan. At dahil nga sa pagtulong niyang ito kay Mura ay mas marami ang humanga at naantig sa kanilang kwento.

Ang kinita kasi ng vlog na ginawa ni Virgelyn kung saan nakapanayam niya si Mura ay kumita ng Php100,000 kung kaya nama ibinigay niya itong lahat sa dating artista upang kahit papaano ay makatulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya sa probinsiya. Nagulat si Mura at hindi na napigilan pa ang maluha nang natanggap ang tulong mula kay Virgelyn.

Naiyak na rin siya nang makita si Mura na labis labis ang kasiyahan at pasasalamat dahil sa biyayang natanggap.

“Sarap sa pakiramdam na isang artista, naabutan ng isang vlogger. Sarap!” emosyonal na pahayag ni Virgelyn kay Mura.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media