Connect with us

Viral

Miss Universe PH Candidate na si Simone Nadine Bornilla, proud sa kaniyang Gay parents na nagpalaki sa kaniya!

Published

on

Pagdating sa “beauty pageants” talagang hindi papahuli ang maraming mga Pilipino ngayon. Isa sa pinakasikat na patimpalak sa bansa ngayon at maging sa buong mundo ay ang Miss Universe.

Photo credit: Simone Nadine Bornilla instagram

Isa sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang gumawa ng pumukaw sa atensyon ng publiko kamakailan lamang matapos niyang ibahagi sa isang panayam sa kaniya kung paano siya napalaki ng maayos at sinuportahan ng kaniyang mga “gay parents”. Siya ay walang iba kundi si Simone Nadine Bornilla, 18 taong gulang na siyang kinatawan ng Marinduque sa prestihiyosong patimpalak.

Kabilang siya sa Top 75 ng national pageant. Matapang niyang sinagot ang naging katanungan sa kaniya kung bakit isa sa kaniyang mga adbokasiya ang pagiging isang LGBTQ+ ally.

Photo credit: Simone Nadine Bornilla instagram

Ang dalaga ay lumaki sa kaniyang biological father at stepfather na parehong gay. Hindi niya ito ikinahihiya bagkus ay ipinagmamalaki pa niya ang mga ito dahil sa matinding pagsusumikap nila na maitaguyod silang magkapatid.

Photo credit: Simone Nadine Bornilla instagram

Hindi na bago ang usapin ng LGBTQ+ (Lesbian, gay, bisexual, transgender, queer+) sa bansa. Maraming beses na rin tayong nakakabalita ng mga hindi magagandang karanasan ng mga indibidwal na ito sa kamay mismo nating mga Pilipino.

Photo credit: Simone Nadine Bornilla instagram

Hindi pa rin kasi sila ganoon katanggap sa bansa dahil sa tayo ay isang bansa na karamihan ay mga Katoliko. At taliwas sa paniniwala ng sektong ito ang pagkakaroon ng higit pa sa kasarian ng babae at lalaki.

Para kay Simone, nasaksihan niya kung paano nagsumikap sa buhay ang kaniyang mga magulang. Hindi man tulad ng ibang pamilya sa ating bansa ay naramdaman niya ang tunay na pagmamahal, pagmamalasakit ng kaniyang mga “gay parents”.

Photo credit: Simone Nadine Bornilla instagram

Kung kaya naman nais niyang gamitin ang oportunidad na ito upang maibahagi ang kaniyang karanasan at ang kaniyang paniniwala patungkol sa kontrobersiyal na usaping ito. Hindi rin daw tama na mang-alipusta at manghusga ng isang tao o isang pamilya dahil lamang sa kanilang kasarian o sa kanilang paniniwala.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media