Connect with us

Showbiz

Mariel Padilla, simpleng nagdiwang ng kaniyang ika-37 kaarawan kasama ang kaniyang mister na si Robin Padilla at dalawa nilang anak

Published

on

Naging napakahirap para sa maraming mga Pilipino ang nakalipas na mga taon dahil na rin sa pagpasok at patuloy na paglaganap ng pandemya sa bansa at maging sa buong mundo. Napakaraming mga tao ang naapektuhan, ang iba ay nawalan ng trabaho, mayroong mga nagkasakit, at mayroon din namang nasawi dahil sa pandemya.

Marami din ang mga negosyong napilitan nang magsara at tuluyan nang nalugi. Sa kabila ng napakaraming mga kaganapan na ito ay mayroon pa rin tayong mga bagay na dapat ipagpasalat sa Diyos.

Tulad na lamang halimbawa ng ating kaarawan. Likas na sa ating mga Pilipino ang maghanda at regaluhan ang sarili lalo na sa espesyal na araw ng ating kaarawan.

Ngunit para sa aktres at TV host na si Mariel Padilla ay mas gusto na lamang niyang hindi magdiwang ng kaniyang kaarawan. 37 taon na si Mariel at masayang namumuhay kasama ang kaniyang dalawang anak na sina Gabriela at Isabella sa mister niyang si Robin Padilla.

“37! With ECQ, COVID situation, and everything else, I had major birthday blues. For the first time, I had no celebration in mind,” Caption ni Mariel sa kaniyang post.

“So @robinhoodpadilla ordered my favorites from @nawwtyskitchen to feel the birthday spirit. All the love from friends and family to remind me how much I love birthdays.” Dagdag pa niya.

Sa kabila nito, hindi pa rin pumayag ang kaniyang mister na hindi nila ipagdiwang ang kaniyang kaarawan. Kung kaya naman sinorpresa ni Robin si Mariel ng mga paborito nitong putahe upang kahit papaano ay makapadiwang sila ng simple sa loob ng kanilang tahanan.

Labis naman din ang pasasalamat ni Mariel para sa kaniyang asawa at para sa mga taong bumabati sa kaniyang kaarawan. Tunay nga na hindi madali ang mga pangyayaring ito lalo na kung nasanay tayong abala at maraming ginawa para sa ating pamilya.

Hindi rin natin dapat kalimutan na bigyang halaga ang mental at sikolohikal na kalusugan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media