Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford, masayang ipinagdiwang ang ika-11 buwang gulang ng kanilang anak na si Baby Amari!

Published

on

Isa sa pinakaaasam-asam ng maraming mga magulang ang makitang lumalaki ang kanilang mga anak. Sa bawat “milestones” na nagagawa ng ating mga anak ay talaga namang napapakislot tayong mga magulang sa ating kinauupuan.

Maramai sa atin ang talagang kinukuhanan pa nga ng video o larawan ang mga pangyayaring ito. Habang ang iba naman ay talagang sinisigurado na magiging maligaya at malusog ang kanilang mga anak habang lumalaki ang mga ito.

Isa na marahil sa mga celebrity couple na sinusubaybayan natin sa ngayon ay ang mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford. 28 taong gulang na si Coleen Garcia habang 39 na taong gulang naman ang kaniyang mister na si Billy.

Sa kabila nang malaking agwat sa kanilang edad ay talagang makikita mo ang tunay at wagas na pag-ibig nila para sa isa’t-isa. Hindi na nakapagtataka na nabiyayaan sila kaagad ng isang anak, si Baby Amari.

At para sa pagdiriwang nila ng ika-11 buwang gulang niya ay nagbakasyon ang mag-anak sa isang sikat na resort sa Batangas. Maraming mga larawan na naibahagi si Coleen sa kaniyang social media account at doon mapapansin ang napakapayapa at napakagandang resort ng “The Farm at San Benito” sa Lipa City, Batangas.

Sa panahon ng pandemya ngayon ay napakahirap ilabas at ipasyal ang mga bata kung kaya naman laking tuwa rin ng mag-asawa na naipasyal nila ang kanilang anak na si Baby Amari. Sadyang napakabilis ng panahon dahil sa isang buwan ay ganap na siyang isang taong gulang.

Hands-on din naman talaga ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanilang anak. Maraming mga netizens din ang nakapansin na mahusay si Baby Amari na mag-pose sa harapan ng kamera.

Manang-mana sa kaniyang mga magulang na kapwa mahuhusay na artista at host. Masaya ring ibinahagi ni Coleen na marahil ay magiging “future plantito” daw ang kaniyang anak dahil sa gustong-gusto nito ng halaman at mga hayop sa kaniyang paligid.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media