Connect with us

Viral

Mag-amang hindi makasakay ng bus, naglakad na lamang mula Surigao patungong Davao, makauwi lamang sa kanila!

Published

on

Napakahirap ng kalagayan ng mag-ama na ito dahil sa gustuhin man nilang umuwi sa kanilang probinsya sa Davao del Sur ay hindi sila maaaring sumakay ng bus. Dahil kasi sa patuloy na paglaganap ng pandemya sa bansa ay kailangan munang magpakita ng “travel pass” at “medical certificate” ng mga pasahero upang masiguradong wala silang dalang nakakahawang sakit.

Photo credit: Danilo Calzadora

Dahil sa hirap ng buhay at wala din namang permanenteng trabaho ang ama na nakilala bilang si Reynante Quintos. Gusto nang umuwi ng Davao del Sur ni Tatay Reynante dahil napag-alaman niyang sinasaktan pala ng kaniyang asawa ang isa pa nilang anak.

Photo credit: Danilo Calzadora

Nasa poder niya naman ang isa pa niyang anak kung kaya naman talagang hindi niya kayang makakuha ng mga requirements para sa kanilang dalawa para lamang makasakay sila ng bus. Napagdesisyunan niyang maglakad na lamang kasama ang kaniyang anak, marating lamang ang kanilang probinsiya.

Buti na lamang at mayroon pa ring mabuting puso na nagmalasakit sa mag-ama. Nagbigay ng kaunting pera si Calzadora upang makabili ang mag-ama ng kaunting materyales na magagamit ni Tatay Reynante para sa munti nilang kariton.

Photo credit: Danilo Calzadora

Nang kumalat ang kanilang mga larawan online ay marami ang naantig sa kanilang kwento kung kaya naman marami din ang nagnais na matulungan sila. Mayroong iilan na nagsasabing sana ay isinabay at inihatid na lamang nila ang mag-ama sa kanilang probinsiya kaysa maglakad pa sila ng napakalayo.

Sa kasamaang-palad ay walang cellphone number at kahit ano mang detalye upang makontak pa ang mag-ama kung kaya naman nanawagan na lamang ang mga netizens sa lokal na pamahalaan ng Davao Del Sur upang matulungan ang mag-ama. Tunay nga na napakahirap ng ganitong sitwasyon. Gustuhin man ng mga magulang tulad ni Tatay Reynante na mabigyan ng maayos at komportableng buhay ang kaniyang mgaanak ay hindi niya magawa dahil sa hirap ng buhay.

Photo credit: Danilo Calzadora

Sana ay tulungan sila ng mga taong may busilak na puso upang kahit papaano ay maging magaan naman ang kanilang buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media