Connect with us

Viral

Larawan ng mga lolo at lola na nakapagtapos sa ng pag-aaral sa kabila ng kanilang edad, umani ng papuri ngayon sa publiko!

Published

on

Edukasyon na marahil ang isa sa pinakamahalagang bagay sa maraming mga Pilipino. Sa murang edad kasi ay namulat na tayo na kailangan nating makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon tayo ng maayos at komportableng buhay.

Photo credit: Awts Gege Photography

Sa ating bayan, kung wala kang pinagtapusang kurso ay walang duda na mahihirapan kang makapasok sa isang magandang kompanya. Magkaroon ka man ng trabaho ay maliit lamang ang magiging kita mo rito.

Mas malaki at mas malawak ang oportunidad para sa mga kabataang nakapagtapos ng pag-aaral kumpara sa mga hindi nakapagtapos. Dahil sa naging paniniwala nating ito ay mas maraming mga magulang ang talagang nagpupursige na mapagtapos ang kanilang mga anak sa kolehiyo.

Photo credit: Awts Gege Photography

Sa kasamaang-palad ay marami din namang mga pamilya ang hirap sa buhay kung kaya naman hindi na tuluyan pang nakapagtatapos sa kolehiyo. Kamakailan lamang ay nagbigay inspirasyon sa publiko ang mga lolo at lola na ito dahil sa nagawa nilang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang edad.

Kulubot man ang balat at marami nang mga uban ay hindi nila ito hinayaang maging hadlang upang hindi nila matupad ang kanilang pangarap na diploma. Para sa kanila, hindi kailan man magiging hadlang ang kanilang edad upang sila ay makapagtapos ng pag-aaral.

Photo credit: Awts Gege Photography

Maraming mga Pilipino ang nabuhayan dahil sa naging pagsusumikap nila sa kanilang pag-aaral. Nagsilbi din silang inspirasyon na kahit ano man ang pinagdaraanan natin ay kayang kaya nating lampasan kung magkakaroon tayo ng determinasyon at pagtitiyaga sa buhay.

Marami din ang namulat ngayon dahil sa minsan ay nagiging kampante din tayo masyado sa maraming mga bagay tulad na lamang halimbawa ng ating pag-aaral. Hindi natin alintana ang pagpapagal ng ating mga magulang para lamang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan.

Photo credit: Awts Gege Photography

Lingid sa ating kaalaman ay marami palang mga tao ang nagnanais makapag-aral ng maayos ngunit wala lamang silang sapat na salapi at kakayanan upang makamit ang inaasam-asam nilang diploma.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media