Connect with us

Showbiz

Jodi Sta. Maria, kinagiliwan ng publiko dahil sa kaniyang mga childhood pictures na ibinahagi niya sa kaniyang social media account!

Published

on

Si Jodi Chrissie Garcia Sta. Maria o mas nakilala natin sa industriya ng showbiz bilang si Jodi Sta. Maria ay 39 na taong gulang na aktres. Isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng kaniyang henerasyon.

Kontrabida o bidang karakter man ang kaniyang gampanan ay talagang nabibigyan niya ng hustisya ang mga ito at mas tumatatak din sa publiko ang kaniyang mga ginagampanang karakter. Sa ngayon ay napakalayo na nga talaga ng kaniyang narating.

Hindi lamang siya kinikilala bilang isang batikang aktres kundi isa rin siyang matagumpay na businesswoman at isang academic achiever dahil sa palagi siyang napaparangalan bilang Dean’s Lister. Kung inaakala ng marami sa atin na hindi niya na-enjoy ang kaniyang kabataan dahil sa lahat ng mga naging tagumpay niyang ito, hindi.


Dahil sa nagawa niyang maranasan ang maraming mga magagandang bagay mula sa kaniyang kabataan. Kamakailan lamang ay nagbahagi ang aktres ng ilang mga larawan niya noong siya ay bata pa.

Hindi napigilan ng maraming mga netizens na magkomento kung gaano ka-cute ang mga larawan niyang ito. Kalakip din ng kaniyang mga larawan ang ilan sa mga karanasan niya noon na hinding-hindi niya malilimutan.

Noon daw ay talagang tumatakas pa siya sa kanilang bahay para lamang makipaglaro sa kanilang kapitbahay. Kahit pa nga mapagalitan siya pag-uwi ay ayos lang daw sa kaniya dahil sa talagang nasiyahan naman siya sa kaniyang pakikipaglaro.

Naalala niya din ang mga laro noon tulad ng “touch taya”, “10-20”, at maging ang mga plastic balloon na bawal bumagsak sa lupa. Namimiss din daw ng aktres ang paghihintay niya sa pagdating ng mais vendor at ang mga nangongolekta ng dyaryo at bote kapalit ay ilang chichirya.

Sino ba naman ang hindi naranasan ang maligo sa ulan kasama ang mga kaibigan? Naranasan din niyang magtampisaw sa ulan noong kaniyang kabataan.

Marami din namang mga netizens ang naka-relate sa post na ito ng aktres. Maging ang mga katrabaho niya sa industriya ay sumang-ayon din sa napakagandang alaala niya ng kaniyang kabataan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media