Connect with us

Viral

Jinkee Pacquiao, naglabas na ng kaniyang matapang na saloobin pagkatapos punahin at batikusin ni Cristy Fermin!

Published

on

Pinagpiyestahan ng maraming mga netizens ang naging pahayag ng journalist at host na si Cristy Fermin patungkol sa kawalang-kahihiyaan at walang pakialam ng misis ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao, sa mga napakaraming mga nagugutom na pamilyang Pilipino. Binanggit din niya na wala sa “timing” ang pagbabaladra ni Jinkee ng kanilang kayamanan at “hindi marunong umunawa” sa sitwasyon ng mundo ngayon ang naging paglalarawan pa ni Cristy sa huli.

Dahil sa naging pahayag na ito ay labis na nagalit ang maraming mga netizens, karamihan sa kanila ang nagsasabing hindi makatarungan ang naging sukatan upang husgahan at batikusin ng ganoon ang sikat na may bahay ni Pacman. Marami din ang nagkomento na kung ano mang karangyaan at tagumpay ang tinatamasa nila ngayon ay bunga din naman ito ng naging pagsusumikap ni Manny noong siya ay nagsisimula pa lamang sa kaniyang karera sa boksing.


Tulad ng maraming mga pamilya ay nakaranas din silang labis na paghihirap at gutom. Kung kaya naman “deserve” nila kung ano mang mayroon sila ngayon.

Hindi na kailangan pang magbitaw ng masasakit na mga salita ng ibang tao o magbigay ng kaniyang sariling komento ukol dito. Gigil din ang maraming mga netizens sa pagpapaalala kung paanong nakakatulong ang pamilya Pacquiao sa maraming mga Pilipino mayroon mang kalamidad o wala.

Nananatiling tikom ang bibig ni Jinkee sa lahat ng ito ngunit kamakailan lamang ay bumuwelta ito sa mga taong bumabatikos at nanghahamak sa kaniya at maging sa kaniyang buong pamilya. Ayon kay Jinkee, mayroon talagang mga taong kaunti lang ang mga ganap sa buhay kung kaya naman buhay na ng ibang tao ang gustong pag-usapan.

Nag-iwan din siya ng paalala sa kaniyang mga tagasuporta at sinabing:

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade. God is good all the time,” Pahayag ni Jinkee sa kaniyang Instagram post.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media