Connect with us

Showbiz

Jessy Mendiola-Manzano, ipinasilip sa kaniyang vlog ang kanilang honeymoon trip sa Amanpulo!

Published

on

Si Jessica Mendiola Tawile-Manzano o mas nakilala natin sa screen name niyang Jessy Mendiola ay 28 taong gulang na aktres at modelo. Noon pa man ay marami na ang humahanga sa kaniya dahil sa mala-anghel niyang kagandahan at sa balingkinitan niyang pangangatawan.

Hindi na nakapagtataka na marami ang nanligaw sa kaniya noon ngunit tanging si Luis “Lucky” Manzano lamang ang nakapagpatibok ng kaniyang puso at siya ring nakatanggap ng matamis niyang “Oo”. Maaalalang Disyembre 2020 pa nang sila ay ma-engage sa isa’t-isa.

Makalipas ang dalawang buwan, noong Pebrero 2021 ay ikinasal na sila sa isang intimate wedding sa “The Farm” sa San Benito, Lipa, Batangas. Nito lamang Agosto 6, 2021 ay natuloy na rin ang kanilang honeytrip matapos itong maudlot nang maudlot dahil na rin sa pandemya.


Masayang masaya ang dalawa sa kaniyang 4-day honeymoon trip sa sikat na resort na ito. Talaga namang napakaganda ng lugar na ito dahil sa mararamdaman mo talagang malapit ka sa Kalikasan at malayo sa maingay na lungsod ng kamaynilaan.

Sa unang araw ng kanilang honeymoon ay ipinasilip ni Jessy kung ano ang madalas nilang kainin ng kaniyang mister na si Luis sa resort. Binabalik-balikan ng aktres ang Arugula Salad sa lugar na ito habang ang paborito naman daw ni Luis ay kahit na anong libre tulad na lamang ng tinapay na kanilang kinakain.

Sa ikalawang araw nila ay nagpa-schedule sila sa gym kung saan ibinahagi din naman ni Jessy ang kanilang workout routine. Maging ang kaniyang mister ay kasama niyang mag-workout.

Nakakita din sila ng isang ahas sa labas ng kanilang kwarto ngunit hindi naman natakot ang mag-asawa rito ay hinayaan na lamang nila. Nang ikatlong araw nila ay nagpamasahe sila na inilarawan naman ni Luis na medyo mayroong kamahalaan.

Maaari din naman daw pumili ng mura na massage pero self-service daw ito, biro din ng aktor. Nakakita din ang mag-asawa ng malalaking mga bayawak na talaga namang nagpamangha sa kanila at lalo na sa kanilang mga tagasubaybay.

Tiningnan nila ito sa malayo at umalis din naman agad. Sa pagsapit ng ikalimang araw ay umuwi na ang mag-asawa at labis na nagpasalamat sa mga taong tumulong sa kanila sa kanilang Amanpulo honeymoon trip.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media