Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, matagal na palang may crush sa aktor na si Joshua Garcia!

Published

on

Nito lamang Agosto 30, 2021 ay itinampok ni Ivana Alawi sa kaniyang YouTube channel ang naging selebrasyon nila ng kaniyang second year anniversary sa naturang platform. Mayroon na ngayong higit sa 3.6 milyong views ang kaniyang video.

Ito ay isang anniversary prank na pinangunahan mismo ng kaniyang kapatid na si Mona. Mayroong plano ang buong pamilya sa araw na iyon para sa inihanda ni Ivana sa kaniyang anniversary.

Nais niya sanang makasama ang buo niyang pamilya ngunit naisipan nina Mona na sa condo na lamang igayak ang sorpresa nila para sa kaniyang ate. Habang nagpapanggap sila ng kaniyang kuya na naglalaro sa kanilang condo ay kinukumbinsi naman nila ang walang kamalay-malay na si Ivana na magtungo na lamang doon kaysa gawin ang kaniyang planong vlog para sa kaniyang anniversary.


Dito na rin sa condo nila naghanda ang nanay ni Ivana ng mga paborito niyang pagkain tulad na lamang halimbawa ng bulalo at king crab. Nagpagawa din si Mona ng balloon decorations at flower gifts para sa kaniyang ate.

Nang makarating na si Ivana sa kanilang condo ay mayroon pa siyang dalang pagkain at hindi niya lubos akalain na mayroon palang sorpresa ang kaniyang buong pamilya para sa kaniya. Hindi pa dito nagtatapos ang sorpresa dahil gumawa din pala si Mona ng isang video para kay Ivana kung saan bumati ang lahat ng kaniyang mga kaibigan para sa espesyal na araw na ito.

Maraming sikat na artista ang nakita sa video na ito ngunit ang pumukaw sa atensyon ng publiko ay ang naging reaksyon ni Ivana nang makita niya si Joshua Garcia. Ito pala ang ultimate crush ni Ivana at ngayon lang ito nalaman ng kaniyang mga tagahanga.

Hindi naman maitago ng aktres ang kilig at pagkagulat dahil sa nagawa ni Mona ang lahat ng ito katuwang ang kaniyang ina at kapatid para sa ikaliligaya ni Ivana.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media