Connect with us

Viral

Isang service crew, hindi nagdalawang-isip na tulungan ang lalaking may kapansanan na pasilip-silip lamang sa isang kilalang fast food chain!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagsubok sa iba’t-ibang uri ng pagkain dito at maging sa ibang bansa. Sabi nga ng maraming mga dayuhan, sadyang napakasarap at kakaiba daw ang mga pagkain nating mga Pilipino.

Kung kaya naman mayroon na ring iilan na mga dayuhang nagnanais magretiro sa ating bayan. Hindi lamang dahil sa pagiging magiliw nating mga Pilipino kundi dahil na rin sa murang pamumuhay dito at masasarap na mga pagkain.

Hindi na rin nakapagtataka na maraming mga sikat na restaurant ang nagsusulputan ngayon. Marami na din sa mga ito ang naging kilala at naging bahagi ng buhay nating mga Pilipino.

Sa kasamaang-palad ay labis na apektado ngayon ng pandemya ang “restaurant” at “food industry”. Sa kabila ng mahirap na kalagayan nilang ito ay marami pa rin naman sa kanila ang nananatiling positibo sa buhay.

Sa katunayan nga ay umaani ng maraming komento ngayon ang isang fast food crew na ito matapos niyang tulungan ang isang lalaking may kapansanan na nakita niyang pasulyap-sulyap lamang sa mga kumakain sa loob ng naturang fast food chain. Ayon sa netizen na nagbahagi ng kaniyang mga larawan online ay mula mismo sa pera ng crew ang pinambili nito ng pagkain ng lalaking mayroong kapansanan.

Napansin din niyang hirap ito sa paggalaw kung kaya naman ang binata na rin mismo ang nagsubo at nagpakain sa lalaki. Kung para sa karamihan sa atin, marahil ay hindi na natin bibigyang-pansin pa ang lalaking ito.


Ngunit hindi ang fast food crew na ito. Hindi matatawaran ang kaniyang nakakamanghang pagtulog sa isang taong nangangailangan ng kaniyang tulong.

Hindi talaga maiwasan ng maraming mga netizens ang mamangha sa crew na ito dahil sa kabutihan na kaniyang ginawa sa taong hindi naman niya kilala. Maraming mga netizens din ang nagsabi na dahil sa busilak niyang puso ay tiyak na mas marami pang mga biyaya at pagpapala ang kaniyang makakamtan sa hinaharap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media