Connect with us

Viral

Isang lolo na nananalangin ng nakaluhod sa hospital bed habang mataimtim na nananalangin, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Marahil ay madalas na nating marinig ang bible verse na Filipos 1:21. Sa talatang ito ng bibliya ay mababasa natin na ang mabuhay ay para kay Kristo at ang mamatay ay ating kapakinabangan.

Marahil marami ang hindi talaga papayag sa mga katagang ito lalo na at mayroong mabigat na salitang “pagpanaw”. Ngunit para sa marami sa atin ay talagang kinasasabikan pa nga ito dahil aminin man natin o hindi, napakahirap mabuhay sa mundong ito na punong-puno ng galit, inggit, kalungkutan, at napakarami pang mga negatibong bagay.

Sa kabila nito ay nagsilbi pa ring inspirasyon sa publiko ang isang lolo na ito dahil kahit na hirap siya sa kaniyang kalagayan sa ospital ay sinikap pa rin niyang manalangin nang nakaluhod. Siya ay nakilala bilang si Ka Dalds, 87 taong gulang na.


Ang larawan na ito ay kuha ni Nenita Dalde at ayon sa kaniya ay kuha ito nang gabi bago ipasok ang matanda sa ICU. Isang linggo lamang ang nagdaan at pumanaw na ito. Bagamat nagdadalamhati ang buong pamilya sak aniyang pagpanaw ay masaya na rin sila dahil sa hindi na maghihirap ang kanilang mahal na lolo.

Nakatitiyak din silang kapiling na niya ang Diyos sa kaharian nito sa langit. Tunay nga na napakaraming mga bagay ang hindi natin hawka sa mundong ito. Wala tayong kontrol sa maraming mga bagay at tanging Diyos lamang ang mayroong kakayahan na pagpalain tayo sa araw-araw.

Isang paalala din ito na hindi tayo dapat tumawag sa Panginoon sa tuwing nakakatanggap tayo ng mga biyaya at pagpapala. Dapat din nating ipagpasalamat ang mga pagsubok at hamon sa buhay dahil dito ay mas lumalakas pa tayo.

Ang pagkakaroon ng matatag na pananampalataya at ang personal nating ugnayan sa ating Panginoon ay napakahalaga lalo na at hindi tayo sigurado kung hanggang kailan na lamang tayo mabubuhay sa mundong ibabaw.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media