Connect with us

Viral

Isang lalaking PWD, gumagamit ng kawayan at panali para lamang magkaroon ng “prosthetic leg”, hinangaan online!

Published

on

Marami na tayong pinagdaanang pagsubok at mas marami pa tayong pagdadaanang pagsubok sa buhay. Sa paglipas ng panahon ay mas marami pa tayong kakaharapin na mga pagsubok ngunit bilang isang Pinoy ay nananatili pa rin tayong matatag at positibo sa mga hamon na ito ng buhay.

Photo credit: Sheena Gallego / Darius Senillo

Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa larawang ito na ibinahagi ng netizen na si Sheena Gallego. Makikita kasi sa larawan ang mahirap na kalagayan ng isang lalaking mayroong kapansanan habang nakasakay ito sa pampasaherong dyip.

Nakasuot siya ng “prosthetic leg” na gawa lamang sa kawayan at panaling “straw rope”. Sa kabila ng kapansanan niyang ito ay makikitang tila papasok pa ito ng trabaho o di kaya naman ay mayroong pupuntahan dahil sa dala-dala niyang bag.

Photo credit: Sheena Gallego / Darius Senillo

Hindi na naitanong pa ni Sheena kung saan talaga ang punta ang lalaki ngunit batid niyang mahirap talaga ang kalagayan nito. Ibinahagi ni Sheena sa publiko ang naturang mga larawan at doon siya humingi ng pasensiya dahil sa hindi na siya nagpaalam pa sa pagkuha ng litratong ito.

Dahil sa kumalat na larawan ng lalaki ay napag-alaman na ito pala ay si Darius Senillo. Maraming mga netizens ang labis na naantig sa kaniyang kalagayan.

Marami din ang nagnais na tulungan siya upang kahit papaano ay magkaroon siya ng maayos na “prosthetic legs”. Tiyak na mas magiging komportable siya at hindi na isya mahihirapan pang maglakad.

Photo credit: Sheena Gallego / Darius Senillo

Nagsilbi din siyang inspirasyon sa mas maraming mga Pilipino dahil sa walang reklamo niyang pagharap sa buhay. Sa kabila ng hirap na kaniyang nararanasan ay mas nagsusumikap pa siya ng husto upang makatulong sa kaniyang pamilya.

Tunay nga na walang imposible sa isang tao lalo na kung magiging matatag ang ating pananampalataya. Tiyak kasi na may tutulong at mayroon pa ring gagamitin ang Diyos upang tayo ay gabayan sa gitna ng maraming mga pagsubok na ito sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media