Connect with us

Viral

Isang binata, na-achieve ang kaniyang dream house sa halagang Php10,000 lamang!

Published

on

Ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapagpundar ng sariling bahay ay isa sa mga pangarap nating mga Pilipino, binata, dalaga, o mayroon mang asawa. Hindi lamang kasi “privacy” ang gusto ng mga nais nang bumukod kundi pagiging “independent”, “peace of mind” at marami pang iba. Sa kasamaang-palad ay hindi ganoon kadali makapagpundar ng bahay sa Pilipinas.

Hindi lamang kasi mahal ang materyales at serbisyo kundi maging ang lote ay inaabot din ng daang-libo at milyong piso. Tiyak na maraming mga Pilipino ang magsasabing hindi talaga kaya ang magpundar ng isang bahay kahit gaano pa ito kaliit lalo na sa taas ng mga bilihin sa ngayon.


Maliit ang sweldo ngayon ngunit palagi namang tumataas ang mga pangunahing bilihin. Ngunit para sa binata na ito na nakilala sa pangalang Jeypee Gervacio, tila walang imposible kung gugustuhin niya.

pinasilip niya sa kaniyang Facebook account kung paano niya naisakatuparan ang kaniyang dream house. Bawat proseso at hakbang na kaniyang ginawa para sa kaniyang simpleng tahanan ay ipinakita niya sa kaniyang post.

Sa munti niyang tahanan ay naroroon na din ang kaniyang munting negosyo na sari-sari store. Sa halagang Php10,000 ay nagawa niyang maitayo ang munti niyang tahanan na mayroon nang tindahan at sarili niyang kwarto sa loob.

Tunay nga na marami ang nagnanais na magkaroon din ng sarili nilang bahay ngunit natatakot silang sumubok at lumabas sa kanilang “comfort zone”. Ngunit dito ay pinatunayan ni Jeypee na kung gugustuhin natin ay talagang may paraan.

Kung kaya naman para sa maraming mga taong na nangangarap magkaroon na ng sarili nilang bahay at lupa, huwag dapat panghinaan ng loob at mas lalo pang magsumikap. Maaaring mahirap sa umpisa at maraming mga pagsubok na pagdaraanan ngunit ang lahat ng ito ay kailangan upang mas maramdaman natin ang sarap ng ating tagumpay.

Darating din ang panahon na mangyayari at matutupad ang inyong mga pangarap dahil na rin sa inyong pagpapagal at matatag na pananalig sa Diyos.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media